Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Romeo, Wright, pinagmulta ng PBA
Romeo, Wright, pinagmulta ng PBA

Romeo, Wright, pinagmulta ng PBA

PINATAWAN ng malaking multa sina Terrence Romeo ng Talk ‘N Text at Akeem Wright ng Columbian Dyip mula sa Philippine Basketball Association (PBA) kasunod ng kanilang hindi katanggap-tanggap na asal at kilos noong nakaraang linggo sa 2018 Governors’ Cup.

Kabuuang P22,600 multa ang ipinataw kay Romeo matapos ang rebyu ng naging gitgitan nila ni RaShawn McCar­thy noong Linggo ng gabi sa Smart-Araneta Coli­seum.

READ MORE:  Asian imports okey na sa PBA

Nirebyu ng PBA ang natu­rang pangyayari at ginawang flagrant foul penalty 2 ang technical foul na naunang itinawag kay Romeo bunsod ng kanyang pag-ulo kay McCarthy sa kalagitnaan ng kanilang sagutan sa timeout ng naturang laban na pinagwagihan ng TNT, 118-114.

Awtomatikong P20,000 ang multa ng flagrant penalty 2 at nadagdagan pa ito ng P2,600 bunsod ng second motion at taunting ni Romeo sa sumunod na possession.

READ MORE:  Istorya ng batang Pacquiao ilalabas na sa mga sinehan

Matapos umiskor ng lay-up para sa 117-114 lamang ng TNT sa huling 57 segundo ay sini­giwan ni Romeo si McCarthy sa mukha na siyang lalong nagpainit sa kanilang hidwaan sa loob ng court.

Sa kabutihang pakad, nagkaayos agad ang dalawa at inilinaw na resulta iyon ng magandang laban at mainit na kompetisyon.

READ MORE:  Wesley So llamado sa ACP Golden Classic 2014

Maging ang import ng Dyip na si Wright ay napatawan din ng P20,000 multa ng PBA bunsod ng flagrant foul penalty 2 kay Aljon Mariano ng Barangay Ginebra sa laban nila noong nakaraang Biyernes na pinagwagihan din ng Ginebra, 96-84.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved