Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Deputy Commander ng presinto itinumba

Deputy Commander ng presinto itinumba

PATAY ang isang deputy commander ng presinto sa Pasay City makaraan pagbabarilin, noong Martes ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Insp. Allan Ortega, deputy commander ng Police Community Precinct (PCP) 4 sa Libertad.
Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa hepe ng Pasay police na si S/Supt. Noel Flores, nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo.
Nangyari ang insidente sa Andrews Avenue, Brgy. 910, dakong 4:00 ng hapon.
Isinugod ng Pasay City Rescue Team ang biktima sa San Juan De Dios Hospital ngunit hindi naisalba ang kaniyang buhay.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.
COMMENTS
READ MORE:  Arraignment kay Noynoy et al sinuspende

About Hataw News Team

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved