Saturday , April 20 2024
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage

Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa

NAGKARELASYON. Naghiwalay. Muling nagkasundo. Nagkabalikan. Naghiwalay. Naging magkaibigan.

Ganito inilarawan nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban ang kanilang relasyon kaya naman sinasabing sila ang pag-asa ng mga umaasa. Umaasang magkakabalikan.

Hindi maitatagong marami ang kinilig at natuwa sa muling closeness nina Carlo at Angelica. Kaya nga nabuo ang pelikulang Exes Baggage, ang unang pelikulang handog ng Black Sheep, isa sa bagong film outfits ng ABS-CBN Films at idinirehe ni Dan Villegas, na mapapanood sa Setyembre 26.

Feel good movie ba ang Exes Baggage? “Kayo na ang humusga,” sagot ni Carlo. At sa tanong kung sila ni Angelica ang pag-asa ng mga umaasa, ito ang komento ng magaling na aktor.

Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage 2
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage 2

“Tingnan na lang natin kung magkakaroon sila ng hope pagkatapos ng pelikula. Pero, ‘wag na lang nilang iasa ang liovelife nila, mahirap ‘yan.”

Sa eks­klu­sibong pakikipag­huntahan kina Carlo at Angelica, nalaman naming mayroon pa rin silang kaba at takot sa tuwing haharap sa kamera o sa tao.

“Kapag hindi ka na natatakot, hindi ka na kinakabahan, bakit mo pa ginagawa? Tapos parang hindi ka na excited ‘di ba? So everytime na tuwing lalabas ka ng ‘ASAP’ kahit ilang taon mo ng ginagawa, nagli-lip sync ka lang naman, ano kaya ‘yun ‘di ba? Nagpo-promote lang naman kayo, ‘di ba?

“Pero sa totoo lang ayaw mo na siyang gawin dahil kinakabahan ka. Pero ‘yun talaga ang totoong nararamdaman mo.

“Ako bago ako mag-take lagi akong kinakabahan. Minsan nagsa-sign of the cross pa ako. Kapag nakikita ko ang sarili ko na may ganoon pa ako, ibig sabihin gusto ko pa itong ginagawa ko kasi nae-excite pa ako eh, ayaw ko pang magpigil, ayaw kong mapahiya pa sa mga ginagawa ko,”  ni Angelica.

Sagot naman ni Carlo, “Ako rin, sa eksena kahit sa mall shows, sa ‘ASAP,’ lagi akong may…bago umakyat sa entablado, bago humarap sa kamera. Hindi ko alam kung mawawala pa ‘yun. Tulad ng sinabi niya mas maganda ‘yung ganoon. May ine-expect ka pa na pwedeng mangyari.”

At kahit kilala at masasabing kaibigan na ng dalawa ang direktong nilang si Dan, hindi nila ikinailang nahirapan pa rin sila.

“Noong mga first namin may mga hindi ako makuhang emosyon,” pagtatapat ni Carlo. “Hindi pa natural na lumalabas sa akin. So, nilalapitan ako ni Dan, igina-guide ako. Para akong nangangapa. So ‘yun lang naman.”

Susog naman ni Angelica, “Baka naman nagagandahan ka lang sa akin!”

‘Bakit ka nangangapa,’ tanong namin, ‘gayung sanay na sanay ka nang umarte? “Hindi ko alam eh,” ani Carlo. “Siguro kinakabahan ako kasi unang pelikula namin.”

“Eh ‘di nagagandahan ka nga,” muling singit ni Angelica.

“Palagi naman,” mabilis na sagot ni Carlo na ngingisi-ngisi.

Bale unang pagtatambal ng dalawa ang Exes Baggage pagkaraan ng maraming taon. Kaya natanong sila kung anong challenge ang nakaharap nila sa paggawa ng pelikula.

Sinabi kasi nina Carlo at Angelica na lagi silang naghahanap ng challenge sa mga proyektong ginagawa nila.

“Ang makatrabaho siya siyempre,” sambit ni Carlo.

“Ano siya eh, iba-iba ‘yung pakiramdam. Excited na parang nasusuka. Na bakit ko ito gagawin. May mga ganoon.

“May isang gabi na paulit-ulit lang ako. Kausap ko si Ketchup, tawa lang kami ng tawa. Tawa siya ng tawa sa akin, tapos tanong niya sa akin, ‘bakit mo nga ba kasi gagawin?’

“Tawa rin lang din ako ng tawa. ‘Ewan ko, ano ba kasi ang gusto ko pang i-prove?’ ‘Yun lang paulit-ulit lang kami. ‘Ano nga ba ang gusto mong i-prove?’ Tanong niya, ‘Bakit gusto mong makatrabaho ang ex mo?’ Hindi ko alam ha ha ha,’ sagot ni Angelica.

“Noong mga unang oras na umoo ka, wala ng atrasan ‘yun eh, nakakatawa ang feeling n’ya na hindi ko ma-explain.”

Na ang ibiga sabihin ni Angelica, inatake siya ng self-doubt noong umpisa.

“Oo kasi parang kaya ko ba? Lalo na noong nabasa mo na ang script ‘di ba? ‘Yung mga eksena, ganyan, mapapalunok ka na lang.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser
Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *