Categories: Bulabugin

Bright boys ni Tatay Digs masyadong ‘entrometido’

MAHILIG gumawa ng ‘sunog’ ang  bright boys ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang siste, kung sino man ‘yang bright boys na ‘yan, wala nang originality ang kanilang diskarte.

Hindi lang kinopya, ginagad na lang sa mga pumatok na ‘spin.’ Kumbaga paulit-ulit na lang.

Kung inakala ng bright boys ni Tatay Digs na nabuhusan nila ng ‘kakaibang’ pamatay ang ‘apoy’ na papunta na sa kanilang teritoryo, nagkakamali sila.

Pinarami lang nila ang sunog.

Inilipat nila ang sunog kay Senator Antonio Trillanes IV sa pag-aakalang malilimutan ng nagugutom na mamamayan ang isyu ng inflation, krisis sa bigas, paulit-ulit na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pa.

Pero nagkakamali sila.

Pansamantala lamang pag-uusapan ang isyu ng pagpapaaresto kay Senator Trillanes matapos bawiin ang amnestiya na iginawad ng naunang administrasyon.

Nagkaroon tuloy ng pambansang debate, puwede bang bawiin ang naigawad na amnestiya?!

Pero hayaan na natin sa ‘matatalinong’ umaastang mga abogado ang debate. Dito na tayo sa katawa-tawang reaksiyon ng ‘bright boys’ ni Tatay Digs.

Mantakin ninyong ‘napikon’ kay Senator Trillanes at nagmagaling ang mga ‘urot-sulsol’ kay Presidente?!

Hayan, nagpapasalamat ngayon si Senator Trillanes dahil habang sinisiil at sinusupil siya ng administrasyon ay lalo siyang pinag-uusapan ng sambayanan at lalong nagbibigay ito sa kanya ng kredebilidad.

Heto ngayon ang tanong, paano kung magtagumpay ang pagbawi ng amnestiya kay Senator Trillanes?!

Ganoon din ba ang mangyayari sa ibang nabigyan ng mga amnestiya kabilang si kasalukuyang Office of the Civil Defense deputy administrator Nick Faeldon at iba pa?

Ibig nating sabihin, maraming madadamay sa bawi-amnesty na ito kay Senator Trillanes.

Naisip kaya iyon ng kung sinong urot-sulsol?!

Sino kaya ang lulutang sa isyung ito?!

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS
Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Share
Published by
Jerry Yap

Recent Posts

Wala sa poder namin ang magpatigil dahil lang sa ‘di magandang pagsasalarawan sa mga pulis — MTRCB Chair Arenas

IGINIIT kahapon ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas na wala sa poder nila ang…

6 hours ago

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

MAINIT na pinag-uusapan ang aksiyong-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi nagustuhan ng Philippine National Police Director General Oscar Albayalde ang…

6 hours ago

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Isa kami sa natuwa nang bilhin ng Globe Studios ang pelikulang Hintayan ng Langit na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre…

6 hours ago

Ronnie Liang, matatag pa rin sa loob ng 12 taon (Excited na sa collaboration nila ni Sarah)

HALIMAW kung ilarawan ni Ronnie Liang si Sarah Geronimo. Isa si Ronnie sa madalas kasama ni Sarah sa mga concert…

6 hours ago

Hintayan ng Langit nina Eddie at Gina, mapapanood na nationwide

NAGING usap-usapan at trending sa social media ang kakaibang konsepto ng Hintayan ng Langit na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at…

6 hours ago

Fall for Fashion, fashion show for a cause

INAANYAYAHAN ng Young Moda Fashion Collezione ang publiko sa gagawin nilang fashion show for a cause. Ito ay ang Fall…

6 hours ago