Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser
Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser

Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser

AGAD namang sumang-ayon kapwa sina Angelica at Carlo nang ialok sa kanila ang pelikula. Actually, kapwa sila excited na makatrabaho ang isa’t isa.

“Parang ano ‘yan eh, ‘ano ba ‘yung kailangan mong i-prove bakit gusto mo siyang makatrabaho?,” ani Angelica. “Gusto ko talagang makagawa kami ng pelikula,” sambit pa ng magaling na aktres.

“‘Yung minsan nag-uusap kami, may mga pelikula kaming konsepto na ibinabato, iniisip, siya ganoon din.

READ MORE:  Angelica, personal na ang laban

“So, alam mo ‘yun kung may pera lang kami, ginawa na namin, pero once pala na andyan na, umoo ka na excited ka, kapag may call time ka na, wow! Grabe! Ito na talaga!”

Kuwento naman ni Carlo na, “Noong nagpi-pitch-in nga sa amin ‘yung iba-ibang ano (tao), lagi akong napapaisip na…nangyayari talaga ito. Itutuloy na ito. Hanggang noong first day, andito na o, magsisimula na ang pelikula namin.”

“Ako noong una,” ani Angelica, “noong may mga unang nag-text sa akin about sa teaser (na ipinakita sa pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia), teaser pa lang grabe na ang reaction ng tao.

“Actually naiyak ako talaga,” giit ni Angelica. “Noong umiiyak ako talagang out of happiness. Hindi ko alam kung bakit… parang sobrang happy ko lang para sa kanya (Carlo).

“Sobra lang, parang sa kanya lang talaga ang iniisip ko. ‘Yun naman talaga ang kinalabasan, ‘yun naman ang nabuo sa lahat ng takot and doubts na mayroon kami.”

READ MORE:  Direk Tonette, nadesmaya; shooting ng JaDine, tuloy pa rin
READ MORE:  Sylvia Sanchez, tinilian at pinagkaguluhan; dami ng proyekto ng mga anak, ikinatuwa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved