Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Subtitle ng FPJAP, hiling ng may mga kapansanan sa pandinig
Subtitle ng FPJAP, hiling ng may mga kapansanan sa pandinig

Subtitle ng FPJAP, hiling ng may mga kapansanan sa pandinig

MAY nakarating sa amin na dapat ay tumahimik na lang si Mystica sa kanyang pagpaparamdam kay Coco Martin sa kagustuhang bumalik sa showbiz sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano. Alam ng nakararami na maraming binuhay na karir ang aktor/direktor sa mga artista noon na nawala na sa limelight.

READ MORE:  Alice, nalungkot sa photoshop wedding picture ng DongYan

Tulad ni Lito Lapid na nawala sa sirkulasyon dahil sa pagpasok sa politika na ngayon ay gabi-gabing napapanood. Pati si Whitney Tayson na umariba noong kasikatan ni Mystica mismo.

Patuloy ng aming source, dapat hindi nag-ingay si Mystica dahil nabasa ito at napanood sa TV na nagmamakaawa kay Coco na kunin siya at buhayin ang karir. ‘Ika nga, malay natin, baka naka-line-up ang Split Queen kaya lang na-pre-empt sa ginawa niya.

READ MORE:  Reklamo ni Dingdong naging issue, dahil sa taas ng ratings ng Probinsyano

Samantala, may grupo ng manonood ang nag-request na lagyan ng subtitle ang action serye para sa mga bingi o may kapansanan sa pandinig.

READ MORE:  Ruru, palaban kay Coco

Anila, gabi-gabi silang nakatutok sa palabas pero dahil may kapansanan  sa pandinig ay hindi nila maintindihan ang pinagsasabi ng mga karakter.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu


Nick Perez, uuwi para sa Star Awards for Music
Nick Perez, uuwi para sa Star Awards for Music
COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved