Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pang-amoy ng K9 dogs ‘di scientific evidence sa ‘P6.8-B shabu’ (Kung walang ilegal na droga)
Pang-amoy ng K9 dogs ‘di scientific evidence sa ‘P6.8-B shabu’ (Kung walang ilegal na droga)

Pang-amoy ng K9 dogs ‘di scientific evidence sa ‘P6.8-B shabu’ (Kung walang ilegal na droga)

HINDI tinatawaran ni  (BoC) chief, Commissioner Isi­dro Lapeña ang patuloy na imbestigasyong gina­gawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa sinabing ‘P6.8 bilyong shabu sa magnetic lifters na natagpuan sa isang bodega sa General Ma­riano Alvarez, Cavite.

Matatandaang patu­loy na iginigiit ni PDEA Chief Aaron Aquino sa House Committee on Dangerous Drugs na ang magnetic lifters na natag­puan sa warehouse sa General Mariano Alvarez, Cavite ay nagtataglay ng ilegal na droga sa kabila ng negatibong resulta ng swab test (laboratory examination) na isi­na­gawa ng mga awtoridad.

Iginigiit ni Aquino na ang swab test ay ‘in­accurate’ dahil buo ang paniniwala niya sa kaka­yahan ng K9 dogs sa pagdetermina ng illegal drugs. Ipinaliwanag ni­yang kayang mag-detect ng amoy ng K9 dogs ng 10,000 beses kaysa tao.

READ MORE:  Hubo’t hubad na ginang inilunod sa balde ng tubig (Pamangkin ‘di binigyan ng pera)

Ang pahayag ng PDEA chief ay nagresulta sa iba’t ibang opinyon. Itinuring ito bilang espe­kulasyon at nag-iimbita ng pagdududa sa tagum­pay ng administrasyong Duterte sa kampanya laban sa pagkalat ng ilegal na droga.

Magugunitang ibina­sura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon at itinuring ang ulat ni Aquino bilang espeku­lasyon.

Inihayag ng isang abogado na may hawak ng drug cases, na tu­mangging magpabanggit ng pangalan dahil sa pagiging sensitibo ng isyu, na ang pahayag ni Aquino ay mapanganib.

Aniya, kung bibigyan ng bigat ang pahayag ni Aquino na ang presensiya ng droga ay mas mapa­patunayan sa pama­magitan ng paggamit ng K9 dogs kaysa scientific examination o swab test, ang prosekusyon ng ma­raming drug cases sa bansa ay mabibigo at magreresulta sa pagka­basura ng mga kaso.

READ MORE:  Resignation ni FVR bahala si Duterte

“In all prosecution of drug cases, the iden­tification of illegal drugs is made through the presentaton of laboratory report conducted on the siezed illegal drugs. Never in the history of drug cases that a drug offender was found guilty due to identification of drug substance by utilizing K9 dogs,” ayon sa abogado.

Aniya, ang K9 dogs ay ginagamit para maka­tulong sa law enforce­ment officers na mabatid ang posibilidad ng drug substance, gayonman, ang tugon ng K9 ay hindi nagpapatunay ng ano­man hangga’t hindi nagsasagawa ng scientific examination sa ‘articles’ na kinukuwestiyon.

Sa karanasan ng ilang grupo law enforcers, sina­bing may pagkakataon na umuupo sa tabi ng isang bagahe ang K9 dogs kapag nakaaamoy ng pagkain.

READ MORE:  Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)

Dagdag ng abogado, “As a matter of fact, pursuant to Section 21 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act, the conduct of laboratory examination on the suspected illegal drug is mandatory. Clearly, the conclusion of Director General Aquino – that the swab test is inaccurate and the use of K9 dogs is the one reliable – is erroneous.”

Sa marami aniyang kaso, dahil sa iba’t ibang factors na nakaaapekto sa kakayahan ng K9 dogs sa pagpapatupad ng ka­nilang tungkulin, ang paggamit ng sniffing dogs sa anti-drug operations ay nagreresulta sa false positive reaction.

Gayonman, nana­tiling bukas si Lapeña kung makakukuha ng dagdag na ebidensiya ang PDEA, bukod sa pang-amoy at reaksiyon ng k9 dogs.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved