Categories: Opinion

Mga salamisim 8

NAKALULUNGKOT na sa kabila ng pagiging isang bansang agrikultural ng ating bayan ay dumaranas tayo ngayon ng kasalatan sa bigas.

Dangan kasi maraming mga taniman ng palay, lalo sa Gitnang Luzon, na ginawang subdivision upang makaiwas ang mga panginoong maylupa o landlord sa land reform. Ang kawalanghiyaang ito ng mga panginoong maylupa ay hinayaan na­man kasi ng landlord dominated na kongreso kaya ang resulta, nagdarahop tayo ngayon sa bigas.

Ang masakit nito ay mas pinasasama pa ang masamang kalalagayan o ang krisis ng mga sakim na mangangalakal at smuggler ng bigas na siya ngayong nagpapasasa sa pagdarahop na ito.

Ngayon, isaing ninyo ang mga subdivision para may makain ang taong bayan.

***

Abogado si Pangulong Rodrigo Duterte pero bago dapat natin malaman na bago siya naging lisensyadong mananaggol ay kinailangan muna niyang sumumpa (lawyer’s oath) sa Diyos at Bayan na itatanghal ang ating Saligang Batas.

Bukod sa panunumpang ito ay muli siyang sumumpa sa Diyos at Bayan na kakalingain at ipagtatanggol ang Saligang Batas matapos siyang itanghal na Pangulo ng bansa. Ito naman ‘yung tinatawag na Oath of Office na nasaksihan ng marami sa telebisyon.

Sa madaling salita, at least, ‘ika nga sa Ingles, dalawang beses siyang sumumpa sa Diyos at Bayan nang katapatan sa Saligang Batas, pero kamakailan ay ipinakita niya na malinaw na malinaw na balewala pala sa kanyang sinumpaang tungkulin kaugnay sa pagtatanghal at pagta­tanggol ng Saligang Batas.

Dangan kasi malinaw sa Rule of Succession na nakasaad sa Saligang Batas na kung sakaling siya ay bumitiw o mawala sa poder ang VP ng bansa ang papalit sa kanya.

Pero ano ang kanyang huling pahayag? Ayaw daw niyang si VP Leni Robredo ang pumalit sa kanya kung siya ay mawala. Ang gusto raw niya ang anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang maging kapalit o di kaya ay dapat magbuo ng isang junta militar para pamunuan ang bansa.

Malinaw sa kanyang mga pahayag ang kanyang pagwawalang bahala sa sinumpaang gampanin sa Diyos at Bayan. Haaay laway lang pala sa kanya ‘yun.

Kawawang Filipinas.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

COMMENTS
Nelson Forte Flores

Share
Published by
Nelson Forte Flores

Recent Posts

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

7 hours ago

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong, Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo. Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo…

7 hours ago

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang…

7 hours ago

Lusot si Bam

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang kasabihang maaaring maikabit sa tumatakbong kandidato sa pagkasenador na si Senator Bam Aquino.…

8 hours ago

Bakit pinaslang ng SC ang wikang Filipino?

KUNG sa kasalukuyang panahon pala nabuhay ang pambansang baya­ni na si Gat Jose Rizal ay siguradong sa karsel pa rin siya…

8 hours ago

2,500 Navoteño nagkatrabaho sa cash-for-work

UMABOT sa 2,500 Navo­teño ang kumita ng extra income sa pagkakaroon ng cash-for-work sa Pama­halaang Lungsod ng Navo­tas. Nakatanggap ng…

11 hours ago