Categories: Opinion

Ilang pulis-Pritil walang modo

BATA pa lamang tayo, idolo na natin ang mga pulis. Sa elementarya nga noon, halos lahat ng kalalakihan sa klase natin ay pangarap maging pulis. Iginagalang kasi ang mga pulis noon at san­digan ng mga inaapi.

Sa kinalakihan nating lugar sa ‘Tundo,’ mataas ang respeto sa uniporme ng pulis. Hindi lang kasi sila lumalaban sa mga kriminal; tagapamayapa rin sila sa anumang kaguluhan. Kahit problema nga minsan ng mag-asawa, sila rin ang umaayos. Basta may problema, takbo lang sa pulis.

Nang magsimula tayong magtrabaho bilang mamamahayag, nakita natin nang malapitan kung paano ibuhos ng mga pulis ang kanilang oras at lakas sa serbisyo. Bilang ‘police reporter,’ bumilib tayo sa dedikasyon nila sa trabaho. May ilang nakasalamuha tayo na medyo dispalinghado. Pero masasabi natin na karamihan sa kanila, seryoso ang intensiyon na maglingkod sa publiko.

Sa paglipas ng panahon, medyo nagbago ang pananaw ng ordinaryong tao sa ating pulisya. Tila dumarami kasi ang bilang ng mga pulis na napapabalitang sangkot sa mga krimen at ilegal na gawain. Napapansin din ang pag-abuso ng ilan sa kapangyarihan.

Personal nating nasaksihan ang pag-abusong ito nang minsang mapasyal uli sa ‘Tundo’ para makipaglamay sa namatay na kamag-anak. Sa pagbisitang iyon, natuwa pa naman sana tayo sa malaking pagbabago ng kinalakihang lugar. Maliwanag at may ilaw ang mga kalye. Wala nang mga kalalakihan na nakahubad sa kalsada at wala na rin nag-iinuman sa gitna ng kalye.

Nakikipag­huntahan tayo noon sa mga kamag-anak nang biglang may du­maan na patrolya ng pulis. Biglang hu­minto ang sa­sak­yan sa tapat ng bu­rol at bumaba ang ilang pulis. Akala natin ay magpapaabot ng pakikiramay sa namatayan.

Laking gulat na lamang natin nang biglang hablutin ng dala­wang pulis ang lala­king anak ng nakaburol na naninigarilyo noon ilang metro ang layo sa lamayan. Sapilitang isinakay ang binata sa kanilang sasakyan. Nilapitan ng mga kamag-anak na naglalamay ang mga pulis at tinanong kung bakit dinampot ang namatayan. Hindi pinansin ng mga pulis ang katanungan.

Dahil nagpapalahaw na sa iyak ang ina ng dinampot, nilapitan natin ang mga pulis at muling tinanong kung bakit nila dinadampot ang anak ng nakaburol. Simple ang madiin na sagot: “violation of city ordinance.” Nang tanungin kung saan dadalhin ang binata, matigas pa rin ang naging tugon ng mga pulis: “Sa Pritil station.”

Nang humarurot ang patrolya, hindi na matigil sa pag-iyak ang ina ng dinampot. Maging mga naglalamay ay hindi mapakali at nanginginig sa takot. Nag-aalalang mapapabilang ang binata sa bilang ng mga biktima ng Tokhang.

Mabuti na lamang at agad na nakatawag ang mga naglalamay sa isang kagawad ng barangay na nakatira sa di-kalayuan. Mabilis na pinuntahan ng kagawad ang Pritil police station para tiyakin na naroon ang dinampot. Isang oras din ang nakalipas bago bumalik ang kagawad sa burol kasama na ang dinampot na binata.

Nang tanungin ang binata kung bakit siya di­nam­pot, sinabi raw ng mga pulis na dahil sa paninigarilyo. Bawal na raw ito dahil sa city ordinance na mahigpit na ipinatutupad ni Mayor Erap.

Bilib tayo sa mahigpit na pagpapatupad ng mga city ordinances sa Maynila. Nakabubuti ito para sa siyudad. Ang hindi katanggap-tanggap, ‘yung kabastusan ng ilang pulis-Pritil sa pagpapatupad ng batas. Hindi mahirap na ipaliwanag sa magulang kung bakit kailangang dalhin ang kanilang anak sa presinto dahil sa paglabag sa city ordinance. At lalong hindi kailangang tratuhin bilang pusakal na kriminal  ang mga lumalabag sa ordinansa.

Dahil sa nangyaring insidente, naiintindihan na natin kung bakit nalalayo ang loob ng ordinaryong tao sa ating mga pulis. Sa halip na matuwa kapag nakakakita ng pulis, kinaiinisan ang kanilang presensiya sa komunidad. Sana magbago ang ganitong pananaw. Kriminal lang kasi ang dapat matakot sa mga pulis, hindi ang tahimik na mamamayan.

PINGKIAN
ni Ruben Manahan III

COMMENTS
Ruben III Manahan

Share
Published by
Ruben III Manahan

Recent Posts

Kaanak ng mangingisdang Navoteño may scholarship

PINIRMAHAN ni Na­votas City Mayor John Rey Tiangco ang isang memo­randum of agree­ment (MOA) kasama ang mga benepisaryo ng Navo­taAs…

15 hours ago

Ginang tigbak sa saksak (‘Di nagpautang ng alak)

PATAY ang isang ginang makaraan pagsa­sak­sakin ng isang lasing na lalaki na hindi niya pinautang ng alak sa Meycauayan, Bulacan,…

15 hours ago

Malacañang employee timbog sa ‘sextortion’

ARESTADO ang isang empleyado ng Mala­cañang Palace  sa iki­nasang entrapment ope­ra­tion ng mga awtoridad makaraan pagbantaan ang dating girlfriend na…

15 hours ago

Kamara susunod sa hatol ng Sandiganbayan — solon

TATALIMA ang Kamara sa pasya ng Sandi­gan­bayan patungkol sa hatol nito kay dating First Lady at ngayon ay Leyte Rep.…

15 hours ago

Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

ARESTADO sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang aktres at kome­dyanteng si Keanna Reeves dahil sa…

15 hours ago

Desisyon ng SC sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo iaapela

WALANG naganap na public hearing at hindi rin kinonsulta ng korte ang mga grupong eks­perto sa wikang Fili­pino. ‘Yan ang…

15 hours ago