Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel at Kathryn, ‘di pinabayaan ng fans
Daniel at Kathryn, ‘di pinabayaan ng fans

Daniel at Kathryn, ‘di pinabayaan ng fans

WALA talagang makakatinag na loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sila talaga ang pinakasikat at nangungunang loveteam ng bansa.

Ang latest  movie nilang The Hows Of Us mula sa Star Cinema na idinirehe ni Cathy Garcia Molina, ay kumita ng mahigit P35-M sa unang araw pa lang. At noong August 31, sa ikatlong araw nito sa mga sinehan, ay kumita ng P116-M. Grabe na ‘to, ‘di ba?

READ MORE:  Derek, napamura sa ‘pambabastos’ ni Cristine

Sa mga susunod na mga araw, siguradong mas lalong lalaki ang kikitain ng pelikula. Hindi talaga pinababayaan ng kanilang mga fan ang KathNiel, lagi nilang sinusuportahan ang bawat proyekto na ginagawa ng dalawa.

Pero hindi lang naman mga tagahanga nina Kathryn at Daniel ang nanood ng pelikula. Kahit hindi nila tagahanga ay sumugod sa  mga sinehan para manood ng The Hows Of Us.

Naging word of mouth kasi ito, dahil sa ganda ng istorya, dahil sa magagandang reviews na natanggap.  Hindi pa namin ito napapanood, pero isa sa mga araw na ito ay panonoorin namin, para ma-witness kung gaano kaganda ang pelikula.

READ MORE:  Kit, napilitang mag-aral sa New York Film Academy (na-challenge nang masigawan ng direktor)
READ MORE:  Kinabog ang beauty ni Tina Monasterio!

To KathNiel, Direk Cathy, Star Cinema, at sa lahat ng bumubuo ng The Hows Of  Us, our congratulations!

MA at PA
ni Rommel Placente


Sharon, nagmahal ng ‘di taga-showbiz
Sharon, nagmahal ng ‘di taga-showbiz
Nova, grateful sa Viva at N2 Productions
Nova, grateful sa Viva at N2 Productions
COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved