Friday , March 29 2024
radio frequency identification (RFID) Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Manila International Airport Authority (MIAA)
radio frequency identification (RFID) Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Manila International Airport Authority (MIAA)

NAIA RFID service provider parang ‘fly-by-night’ sa kupad ng sistema!

LAST Friday ilang NAIA personnel, concessionaires at stakeholders ang kumuha ng kanilang RFID (radio frequency identification). Last minute na ito. Naisip siguro nila na dahil last day na, kaunti na lang ang nakapila. Halos isang buwan nga namang lumarga ang proseso sa pagkuha ng RFID.

Ang RFID (radio frequency identification) ay isang uri ng wireless communication sa pamamagitan ng inkorporasyon ng electromagnetic o electrostatic sa radio frequency portion ng electromagnetic spectrum upang makilala o matukoy ang isang tao, hayop, o bagay.

Isang sistema ito ng teknolohiya na madalas gamitin sa iba’t ibang sistema ng transportasyon.

Sa airport, isa ito sa mga rekesitos para sa mga opisyal at empleyado ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nasa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa bagong access pass.

Ganoon din sa mga concessionaires, mga empleyado at opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA), LBPSC, kagawad g Philippine National Police (PNP) at AVSE Group, mga service providers gaya ng security agency, manpower agency, janitorial at maintenance crew; ground handlers at iba pang airlines’ officials and employees.

Ang siste, mali pala ang akala ng mga nag-11th hour para makakuha ng RFID. Wala kasing pagbabago. Mahaba pa rin ang pila na napakakupad pa ng usad. Pero ang higit na nakadedesmaya umano, napakainit sa lugar (kuwarto) na kanilang pinipilahan.

Doon ito sa dulo ng 3rd floor sa NAIA Terminal 1. Ito ‘yung lugar na mukhang hindi na ‘inaabot’ ng diyos. Kasi kakaiba na ang itsura dito. Mukhang bodega, kakaiba ang amoy at ‘yun nga, napakainit.

Marami sa mga nakapila ay maliliit na em­pleyado na kailangan pang pumasok sa trabaho, kaya siyempre hindi sila mapakali, kaya kapag alam nilang nasa dulo sila ng pila, aalis muna saka babalik na lang, kasi kailangan muna nilang mag-report at trabaho. ‘Yung iba naman, after work, kaya marami rin sa kanila ang inaabot ng rush hours.

Isang concessionaire, ang na-curious kung bakit napakahaba ng pila at napakakupad ng usad gayong hindi naman ganoon karami ang tao sa data capturing area.

Heto na, nang nakasalang na ‘yung conces­sionaire, nakita niya ang rason kung bakit napa­kahaba ng pila at napakakupad ng usad. May­roong tatlong mesa, na may tig-iisang laptop, at tig-iisang tao or staff na siyang nag-o-operate nito.

Sa unang mesa ang data encoding; sa ikala­wang mesa ang pagkuha ng retrato; sa ikatlong mesa ang signature o pirma.

Wattafak?!

Meaning, kahit na naka-laptop pa ‘yan, o high-tech ang sistema, pero one-on-one naman, e pa­rang mano-mano pa rin ‘yan. Gaano karami ang mga personnel (libo-libo ‘yan), na ika-capture ang data? Bakit tig-iisang mesa lang sa bawat data capturing (data encoding, biometrics, at signature)?

Sino ba ang mapalad na service provider niyan!? Dumaan ba sa bidding-bidingan ‘este bidding ‘yan? Matatag bang kompanya ‘yan?!

E sa sistema ng operation nila, parang fly-by-night na service provider lang ‘yan.

Nampusa?!

Wala bang nakitang mas matino at mas mabilis kaysa CLARUSe Data Capturing System ang opisyal ng MIAA na nakaisip ng proyektong ito!?

Magkano ‘este ano ang credentials ng CLARUSe para i-award sa kanila ang milyon-milyong project na ito!?

Heto pa, mayroon pang nag-aalok ng insurance, na ang resibo ay DI-VES Foundation (Phils.) Inc.

Wattafak!

Kailan pa nagkaroon ng foundation na nag-o-operate ng insurance company sa isang data capturing service!? Mayroon na! Ngayon lang — ang DI-VES Foundation (Phils.) Inc.

Hello?!

And korek, hindi nga po na-meet ang target date kaya extended hanggang September 8, 2018 ang pagkuha ng RFID. Meaning extended nang one week.

Pero duda tayo na ma-meet nila ang ka­nilang deadline sa sistema ng CLARUSe na tatlong mesa at tatlong laptop lang ang gina­gamit sa data capturing area.

Alam kaya ni MIAA GM Ed Monreal na ganyan kakupad at kamiserable ang trabaho ng CLARUSe!?


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Pasugalan nagkalat sa Pasay
Pasugalan nagkalat sa Pasay

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *