Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kiko Rustia, positibong magbabalik ang sigla sa Bora
Kiko Rustia, positibong magbabalik ang sigla sa Bora

Kiko Rustia, positibong magbabalik ang sigla sa Bora

KUNG hindi magbabago ang plano, muling bubuksan ang Boracay sa  publiko sa October 26, kaya naman hindi naitago ang kasiyahan ng dating host ng Born To Be Wild, ng GMA Network na si Kiko Rustia dahil mayroon silang negosyo roon.

May maliit na negosyo si Kiko at kanyang pamilya sa Bora at naapektuhan ito ng pagsasara ng isla noong Abril.

“We couldn’t be happier in Boracay. Actually mas competitive sa Boracay. ‘Yung business naming hotel, ang mga hotel doon,  magkakatabi. Ours is just a humble hotel. B & B, AirBNB style. We have six rooms and then plus two more for back­packers. It’s chal­lenging.

READ MORE:  Kris Aquino, nagpadala ng donation sa ipinagagawang simbahan ni Ai Ai

“The best outcome is we actually have more time for the family.  When I have projects here in Manila, or our projects sa Victory Liner, I come here. We do our projects. After everything, balik sa isla ulit,” ani Kiko.

Matatandaang hindi itinago ni Kiko sa kanyang Vlog na inilabas niya sa kanyang  Youtube channel ang kalung­kutan at pagka­desmaya ukol sa closure ng Boracay. Aniya, “‘Yung place namin- sa Coco’s Place- me­dyo nabawasan ‘yung booking namin and is not doing well.”

READ MORE:  Michael Christian, binigyan ng heroes welcome

Sa kabilang banda, ambassador ng Victory Liner (VL) at endorser ng Yazz Prepaid Card ng Metrobank Card Corporation (MCC) si Kiko kaya naman hinihikayat niya ang publiko na mag-avail ng first-ever Piso Trip seat sale promo exclusively para sa mga VL Premier Prepaid Visa cardholders.

Mula September 1 to 3, all VLP Prepaid Visa cardholders who book bus tickets online at www.victoryliner.com for the Cubao-Baguio route (2:00 p.m. trip) and Cubao-Olongapo route (12:00 p.m.) for Sept. 10-16 travel period will only be charged P1.00, inclusive of online booking fee.

READ MORE:  P1.4-B pondo ng goberyerno para sa PTV4, Radyo ng Bayan, PIA & NPO, okey na (Television and radio complex, itatayo rin sa Davao)

Para makapag-avail ng Piso Trip, cardholders simply need to load up their VLP Prepaid Visa Card, go to www.victoryliner.com to book, and use the card to pay.

Ang mga loading station ng VLP car ay matatagpuan sa SM malls, Robinsons malls, National Book Store, Family Mart, RD Pawnshop, H Lhuillier, Express Pay, Petron Treats, major Victory Liner bus terminals and over 3,000 other ECPay merchant partners nationwide.  (LM)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved