Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Bukbok’ sa bigas pinalaki — Piñol
‘Bukbok’ sa bigas pinalaki  — Piñol

‘Bukbok’ sa bigas pinalaki — Piñol

PINALAKI lang ang isyu ng bukbok sa inangkat na bigas, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol kahapon.

Sinabi ito ni Piñol habang igi-n­i­giit na ligtas kainin ang inangkat na bigas na pineste ng bukbok.

“Itong issue ng bukbok, pinapalaki lang e. Ano bang problema natin sa bukbok?” pahayag ni Piñol.

Nauna rito, sinabi ni Piñol na hindi makasasama sa kalusugan ang pagkain ng bigas na binuk­bok kung ito ay huhugasang mabu­ti. Ipinakita pa ni Piñol kung paano lulutuin ang bigas at ku­main nito.

READ MORE:  8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon

Punto ng kalihim, hindi tamang itapon ang bigas na binukbok. “I am not saying that I am encouraging bigas with bukbok. Ang sinasabi ko lang, ‘yung suggestion na itapon ‘yung bigas na may bukbok is wrong,” aniya.

“Because ‘yung bukbok ay bahagi ‘yan ng grains industry. Parang langgam na itim ‘yan na nandiyan, nakapulupot, kapag matamis ang prutas,” dagdag niya.

Libo-libong sako ng bigas ang nadiskobreng pineste ng bukbok sa Subic Bay Freeport Zone.

READ MORE:  Bigas, bigas nasaan na ang bigas?!

Paliwanag ni National Food Authority spokesperson Rex Estoperez, binukbok ang bigas dahil sa mainit na temperatura sa bodega na pinag-imbakan sa mga bigas.

Habang sinabi ng Bureau of Plant Industry, ang pamemeste ng bukbok ay maaaring sanhi ng hindi wastong fumigation.

Ngunit dahil dito at sa iba pang mga isyu na may kaug­na­yan sa industriya ng bigas sa bansa, nanawagan ang ilang mambabatas para sa pagbibitiw ni Piñol. Bilang tugon dito, sinabi ni Piñol: “Kung pati ‘yung galung­gong at bukbok ay pagre-resign-in natin dahil sa mga bagay-bagay na ‘yan, we’re being very petty about this.”

READ MORE:  Economic sabotage vs rice cartel banta ni Evasco (Kung hoardings)

“Everybody calls for the resig­nation of any­body. But when you are in battle, you don’t pull out your general. You allow them to maneuver and get out of that tight situation,” dagdag niya.

Naghain na ng House resolution na naglalayong imbestigahan ang importasyon ng bigas na pineste ng bukbok.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved