Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine, tuloy na ang paglipat sa Kapamilya
Regine, tuloy na ang paglipat sa Kapamilya

Regine, tuloy na ang paglipat sa Kapamilya

NAGSIMULA sa blind item ang tungkol sa paglipat ng isang sikat na personalidad sa ibang network. Lalo pang uminit ang tsikang ito nang nagpaalam na sa kanyang TV show ang sinasabing personalidad.

Sa pinakahuling pangyayari, pinangalan na ng ilang kasamahan sa panulat na ang Asia’s Songbird Regine Velasquez ang tinutukoy dahil nagpaalam na ito sa Sarap Diva ng GMA-7.

READ MORE:  Nate, nadiskubreng dating asawa ni Ogie si Michele kay Google

May mga sumasang-ayon at hindi sinisisi ang mang-aawit kung lilipat na ito sa Kapamilya dahil puwede nitong makasama ang kanyang mister na si Ogie Alcasid sa ASAP at kung may Clash man siya ngayon ay hanggang September na lang.

Ang maganda pa sa paglipat nito, puwede itong makagawa ng teleserye dahil mahusay naman itong umarte base sa mga pelikulang nagawa nito.

READ MORE:  Marion Aunor, patuloy sa paghataw sa music scene!

May nagsasabi naman na hindi dapat mabahala ang mga nagmamahal sa mang-aawit dahil espekulasyon lang naman ang lahat at malalaman ang pagka-loyalista nito sa pagbabalik mula sa bakasyon.

Kaya lang, malakas pa rin ang bulong-bulungan na talagang may plano ang Asia’s Songbird na lumipat kasi kapos na siya ng exposure sa kanyang mother studio.

READ MORE:  Ogie, pinaninindigan: Ayoko! Hindi ako tatakbo!

May nagsasabing career-move ito ng mang-aawit, na may greener pasture, dapat doon hindi na siya bumabata at may pamilya na rin itong binubuhay.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu


Sarah is awesome and brilliant — Matteo

Sarah is awesome and brilliant — Matteo

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved