Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dibdib ni Boobsie, palaki ng palaki
Dibdib ni Boobsie, palaki ng palaki

Dibdib ni Boobsie, palaki ng palaki

TINANONG namin ang komedyanang si Boobsie Wonderland kung bakit Boobsie ang gamit niyang screen name.

“Malaki po kasi ang dibdib ko, kaya Boobsie. Pero hindi nila alam, hindi ito boobs (sabay turo sa kanyang dibdib), mayoma ito. Palaki na nga ito ng palaki, eh. Ewan ko ba,” ang natatawang sabi ni Boobsie.

Patuloy niya na natatawa pa rin, “Pero rati talaga ang ginagamit kong screen name ay Jane B. Kasi akala ko po, bastos pakinggan ‘yung Boobsie, eh. Pero in-alternate ko na lang sa Vitamin C. Boobsie, ang batang may Vitamin C.”

Paano siya nag-start sa showbiz?

READ MORE:  Shooting ng Ang Panday, tapos na; Coco, nagpasalamat sa mga naging bahagi ng pelikula

“Matagal na po akong entertainer. Nagdya-Japan pa lang po ako, medyo kalog-kalog na ako. Pero kaya po ako naging Boobsie ngayon, dahil kay Sir Allan K. Kasi na-discover niya po ako sa Dubai noon. Tapos pinauwi niya ako rito (‘Pinas). Sabi ko kung bibigyan niya ako ng sets sa Zirkoh at Klownz (comedy bars na pag-aari ni Allan K), hindi na ako babalik doon. Hanggang sa na-refer na ako kay Tito Germs (German Moreno). Napasama ako sa ‘Walang Tulugan’. Tapos na-refer ako sa ‘Bubble Gang,’ sa segment na Tsetse Buretse. Hanggang sa na-refer na rin ako sa ‘Sunday Pinasaya.’

READ MORE:  Awra, Grand Winner sa Your Face Sounds Familiar Kids
READ MORE:  ABS-CBN, grand slam bilang best TV station sa iba’t ibang student awards (107 parangal, iginawad ng mga estudyante at guro sa Kapamilya Network)

(ROMMEL PLACENTE)


Bahay, lupa at sasakyan, tinatanggihan ni Alma
Bahay, lupa at sasakyan, tinatanggihan ni Alma
Kathryn, inalalayan ni Direk Cathy
Kathryn, inalalayan ni Direk Cathy
Heart, naiyak nang mag-sorry ang kaklaseng nam-bully
Heart, naiyak nang mag-sorry ang kaklaseng nam-bully
COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved