Categories: Showbiz

Reinzl Mae Bolito, proud sa kanilang pelikulang Spoken Words

Share

ISA ang young newbie actress na si Reinzl Mae Bolito sa tampok sa pelikulang Spoken Words  mula sa RLTV Entertain­ment Productions at Infinite Power­tech at sa pamamahala nina Direk Ronald Abad at Direk John Ray Garcia.

Ang Spoken Words ay peli­ku­lang pampamilya na maraming aral na mapupulot lalo ang millen­nials. Naging matagumpay ang premiere night nito last Saturday, August 25 sa SM North EDSA, Cine­ma 6.

Kabilang sa tampok dito sina Erwin Bue­na­ven­tura, Matt San Juan, Erika Mae Salas, Mich Ra­padas, John Pa­trick Picar, Pa­trick Alba, Marco No­ve­nario, Rodel Girard Forma­ran, Renz Gabrielle Clemente, at iba pa.

Inusisa namin si Reinzl Mae hinggil sa ilang detalye ng kani­lang pelikula. “Ako po si Clarisse Anne Fontilla rito, ako po ‘yung pasaway na kapatid ni kuya Flo­rence at pinakainiingat-ingatan na anak ni daddy Matheo at lola Brenda.

“Ide-describe ko pa ang movie namin as a life changing movie, kasi po during the movie you will realize a lot of things about family, friends and also yourself. It kinda represents the circle of life actually, in my perspective.

“Sobra po akong proud sa Spoken Words casts, directors, production team, producers and everyone else. I’m just proud how our hardwork paid off and I’m so so so so happy about the impact it gave to the audience,” pahayag niya.

Ipinahayag din niya ang kala­gakan sa co-actors at directors nila sa pelikulang ito.

“Ang masasabi ko po sa mga co-actors ko sa movie is, I am so proud for all of them, they all did a very great job and of course kuya Erwin. I salute him, legit salute. His dedication to his work is really astounding and inspiring.

“Sa dalawang very-very hardworking directors namin, I just want to thank them for sharing their passion with us and giving us this opportunity,” saad ni Reinzl Mae.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Janah Zaplan, thankful sa nomination sa Star Awards for Music
COMMENTS
Nonie Nicasio

Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

48 aplikante, masusubok sa PBA Draft Combine

MAYROONG tsansa ang 48 aplikante ngayon upang patu­nayan ang kanilang kahandaan na makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sasailalim… Read More

13 hours ago

Aces, tatabla sa Hotshots

SUSUBOK ang Alaska na maitabla ang serye sa karibal na Magnolia ngayong krusyal na Game 4 sa 2018 PBA Governors’… Read More

13 hours ago

Kapatid umigi sa Krystall products

Dear Sis Fely, Magandang buhay po, sumasainyo ang pagpapala ng Panginoong Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak… Read More

13 hours ago

Pagpapahalaga sa values, tinalakay sa Adulting

KUNG natuwa ang marami sa Tipidity ng Mega Sardines, paiiyakin naman nila ngayon sa kanilang Adulting ang publiko. Ang Adulting… Read More

13 hours ago

Lani, nanawagan: Irespeto natin ang desisyon ng korte

“LET’S just respect the decision of the courts (sic).” Ito ang reaksiyon ni Lani Mercado patungkol sa mga ‘di sang-ayon… Read More

13 hours ago

Anne at Erwan, tutungo ng Iceland at Antarctica

PINAG-UUSAPAN ng ilang nitizens kung sino ba kina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang may diperensiya at hanggang ngayo’y hindi… Read More

13 hours ago