Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Dagupan City: Negosyante, prof patay sa ambush
Sa Dagupan City: Negosyante, prof patay sa ambush

Sa Dagupan City: Negosyante, prof patay sa ambush

PATAY ang isang nego­syante at isang propesor makaraan silang pagba­barilin habang pasakay sa sasakyan pagkagaling sa isang restaurant sa Dagupan City, Panga­sinan, kamakalawa.

Ayon sa ulat, ang isa sa mga biktima ay minsan na ring tinambangan noon ngunit nakaligtas.

Kinilala ang mga biktimang sina Johnny Baniqued, 47, nego­syan­te, at Oscar Fernandez, propesor sa isang uni­bersidad sa Dagupan.

Habang sugatan ang isa pa nilang kasama na nagpapagaling sa ospital.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang tatlong biktima habang pasakay sa sasakyan mula sa isang restaurant sa Brgy. Tapuac nang paputukan sila ng hindi kilalang suspek na armado ng .45 kalibreng baril.

Blanko ang pulisya sa posibleng motibo at kung sino ang responsable sa krimen.

Isang special investi­gation task group ang binuo para tutukan ang kaso.

Napag-alaman sa pu­lisya, nakaligtas sa pama­maril si Baniqued noong 2015, kaya aalamin ng mga awtoridad kung may koneksiyon ito sa nangyaring krimen.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved