Categories: Opinion

Kainin mo bigas mo, Jason!

MALAKING kalokohan itong sinasabi ng National Food Authority na walang problema kung kumain daw tayo ng bukbok na bigas. Hindi naman daw ito masama sa kalusugan kahit pa dumaan sa fumigation, basta kailangan daw itong hugasang mabuti bago iluto.

At para raw mapatunayan na hindi big deal ang pagkain ng binukbok na bigas, pangungunahan daw ni NFA Administrator Jason Aquino ang pagkain ng kanin mula sa binukbok at dumaan sa fumigation na bigas.

Napakairesponsable ang pahayag na binitiwan ng NFA.  Hindi usapin dito kung kaya bang kumain ni Aquino ng bigas na may buk­bok o hindi. Ang isyu rito, ang bigas, sa unang punto pa lang ay dapat malinis na at talagang fit for human con­sumption dahil ito ang staple food sa bawat mesa ng pamilyang Filipino. Hindi ‘yung palusot lamang, na kesyo walang problema kung binukbok man ito, basta hugasan lang nang mabuti at ayos na iyan sa sikmura.

Ang hirap dito kay Aquino sa at sa ibang mga opisyal ng NFA, talagang maliit ang tingin nila sa masang Filipino, na ayos lang sa kanila ang kumain ng bigas na puno ng peste!

Tama nga siguro ang pahiwatig ng Malacañang na dapat na sigurong buwagin ang NFA dahil tila wala namang silbi ang ahensiyang ito. Kung hindi naman kaagad ito mangyayari, maiging sibakin na lang ni Pangulong Duterte itong si Aquino at palitan nang mainam na opisyal.

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Kasong graft vs. Lapeña; Guerrero bukol sa ‘tara’?

KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes si dating com­missioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (Tesda)…

2 hours ago

Kaanak ng mangingisdang Navoteño may scholarship

PINIRMAHAN ni Na­votas City Mayor John Rey Tiangco ang isang memo­randum of agree­ment (MOA) kasama ang mga benepisaryo ng Navo­taAs…

23 hours ago

Ginang tigbak sa saksak (‘Di nagpautang ng alak)

PATAY ang isang ginang makaraan pagsa­sak­sakin ng isang lasing na lalaki na hindi niya pinautang ng alak sa Meycauayan, Bulacan,…

24 hours ago

Malacañang employee timbog sa ‘sextortion’

ARESTADO ang isang empleyado ng Mala­cañang Palace  sa iki­nasang entrapment ope­ra­tion ng mga awtoridad makaraan pagbantaan ang dating girlfriend na…

24 hours ago

Kamara susunod sa hatol ng Sandiganbayan — solon

TATALIMA ang Kamara sa pasya ng Sandi­gan­bayan patungkol sa hatol nito kay dating First Lady at ngayon ay Leyte Rep.…

24 hours ago

Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

ARESTADO sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang aktres at kome­dyanteng si Keanna Reeves dahil sa…

24 hours ago