Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Crazy Rich Asians, pinakamalaking kinita sa ‘Pinas
Crazy Rich Asians, pinakamalaking kinita sa ‘Pinas

Crazy Rich Asians, pinakamalaking kinita sa ‘Pinas

SA laki ng kinita ng Crazy Rich Asians sa loob lang ng isang linggo sa Pilipinas ay may statement ang Warner Brothers Philippines na umabot sa P82.7-M na ang kinita simula noong Agosto 22.

Ang CRA ang pinaka­malaking kinita sa Pilipinas na romantic comedy film.

Ayon pa sa Warner Bros, “CRA opening box office P82.7M, biggest for Warner Brother film for 2018 and Biggest opening for a foreign film/English Rom-Com All-Time.”

Natabunan na ng CRA ang record ng pelikula ni Jennifer Lopez na Maid In Manhattan na ipinalabas sa Pilipinas noong 2002.

At dahil dito ay pinasalamatan ni Kris ang lahat ng nanood ng CRA base sa post niya kahapon ng tanghali.

READ MORE:  Ineendosong produkto ni Kris, sold out agad

“Please know your heartwarming comments & posts have made me feel immeasurable GRATITUDE.  I thank you for the effort to watch @crazyrichasians, some of you going multiple times w/ family, officemates, best friends, school barkadas, and your boyfriends & husbands the eyewitness accounts of spontaneous applause & cheering in movie theaters nationwide when my character made her entrance in Colin & Araminta’s wedding, and most significant for me the PRIDE you, the moviegoers felt in being FILIPINO during my few minutes portraying Princess Intan in @crazyrichasians-this feeling of SOLIDARITY for the sake of our NATIONAL IDENTITY will forever inspire me to strive harder to promote & protect our values, dignity, and grace as a people walking into the light, with sunbeams filtering in, I embraced the blessing because for that moment- I WAS YOU, and YOU WERE ME. #ilovethephilippines.”

READ MORE:  Paanyaya ni Kris, tanggapin kaya ni Paolo?

Samantala, may IG follower si Kris na si Mawee Borromeo na ipinost ang drinowing nitong mukha nina Henry Golding, Awkwafina, Nico Santos kabilang ang social media influencer bilang cast ng Crazy Rich Asians.

Maganda ang pagkaka-drawing ni Mawee kaya naman napahanga niya ang Queen of Online World and Social Media, ‘yun nga lang, ma-detalyado si Kris kaya napansin niyang mali ang suot niyang relo sa illustration.

READ MORE:  Melai, wala sa utak na magbabalik-Banana Split

Sabi ni Kris, “@maweeborrs, hi… great illustration, you captured my face & expresion perfectly-but sadly, wrong watch. I don’t have that particular model.”

O ‘di ba, kaaliw talaga si Kris?

Sumagot naman si @maweeborrs, “Aww thank you so much! This was just for an article on what they imagined the characters would wear though hehe @lucerneluxemagazine.”

How to be you po, Ms. Kris?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Guesting ni Sarah sa GGV, ‘di ipinaere ni Mommy Divine

Guesting ni Sarah sa GGV, ‘di ipinaere ni Mommy Divine

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved