Categories: News

Sanggol, 4 kapatid patay sa Tondo fire

Share

PATAY ang sanggol at apat na paslit,  pawang magkakapatid, habang isa ang sugatan makaraang masunog ang kanilang bahay dahil sa paglalaro ng lighter ng isa sa mga biktima sa Ton­do, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Fire Department Arson Divi­sion Fire C/Insp. Redentor Alumno, namatay ang magkakapatid na Geme­niano na sina John Mike Twister, 12; Baby Michael, 7; Marcelo, 5; Miel Mi­chael, 4, at Michaela, 18-buwang  gulang.

Pawang dumanas ng 3rd degree burns sa kani­lang mukha at katawan at namatay sa supokasyon ang magkakapatid.

Sugatan ang isa ni­lang kapatid na si John Michael, 9-anyos, na tu­malon mula sa bintana ng kanilang bahay.

Base sa ulat, dakong 9:17 am nang sumiklab ang sunog sa bahay ng mga biktima, na nasa ikatlong palapag ng isang 3-storey apartment type sa 1869 Laperal Street, kanto ng Herbosa Street sa Tondo.

Ikinuwento mismo ng batang nakaligtas sa su­nog na nagsimula ang apoy sa paglalaro ng lighter ng isa sa mga ka­patid niyang namatay sa insidente.

Inaya umano ni John Michael ang mga kapatid na tumalon sa bintana ngunit hindi sumunod sa kanya.

Sinasabing kamaka­lawa ay muntik na rin umanong masunog ang bahay sa hindi pa batid na dahilan, na kinom­pirma ng mga awtoridad.

Napag-alaman mula kay Manila Fire Marshall, Fire S/Supt. Jonas Sil­vano, nabatid ng mga bombero na naka-padlock ang pinto ng bahay ng mga biktima kaya hindi sila nakalabas at nakulong habang ito ay nasusunog.

Nang mangyari ang insidente ay wala ang mga magulang ng mga biktima dahil ang ina ay nagtitinda habang nama­ma­sada ng pedicab ang kanilang ama.

Dahil gawa sa light materials ang bahay ay mabilis itong natupok ng apoy at umabot sa ika­apat na alarma ang sunog bago inihudyat na under control dakong 12:00 ng tanghali.

Idineklarang fire-out ang sunog dakong 1:33 ng hapon.

Hindi pa batid ng mga awtoridad kung gaano karaming bahay ang na­tu­pok sa sunog at kung ilang pamilya ang naa­pektohan nito.

Nahirapan aniya ang mga bombero na apulain agad ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay sa lugar, na pawang may kalumaan na.

Masisikip din ang mga eskinita kaya’t nahi­rapang maglabas-pasok ang mga pamatay-sunog.

Tinatayang P120,000 ang halaga ng napin­salang mga ari-arian sa nasabing sunog.

nina BRIAN BILASANO at BONG SON

COMMENTS
hataw tabloid

Published by
hataw tabloid
Tags: sunogTon­do

Recent Posts

Happiest birthday Boss Robz!

Our dearest Boss Robz, May you keep that inner child within you. We are excited to see greater things unfold… Read More

4 hours ago

Female star-TV host, nahihilig sa bagets

MAYROON din palang isang male star na naging bahagi ng isang youth oriented program na sikat noong araw na na-pick… Read More

5 hours ago

Tribute concert para kay Rico J. Puno, sa Nov. 23 na

SA November 23 mapapanood sa The Theater at Solaire ang Music and Laughter, tribute concert para kay Rico J. Puno.… Read More

5 hours ago

Tetay, galit sa magnanakaw

WAPAKELS as in walang pakialam si Kris Aquino kung maubos man ang kanyang yaman makamit lang niya ang kanyang hinihinging katarungan laban sa taong nanloko sa kanya… Read More

5 hours ago

Paring nangmolestiya kay Bea Rose, dapat matukoy

PAANO kung hanggang ngayon ay nangmomolestya pa rin ng mga bata sa Masbate ang pari na ‘yon na nanglapastangan kay 2013… Read More

5 hours ago

‘Bato’ ni Darna nawawala kaya ‘di na matuloy-tuloy?

ANO ba ang nangyayari talaga at naurong na naman ang pagsasa-pelikula niyang Darna? Noong una ay sinasabing tuloy na tuloy… Read More

5 hours ago