Categories: Opinion

Mabuhay ang atletang Filipino: PH Ika-14 na sa Asian Games

LET’S be proud at suportahan ang mga atletang Filipino na naroroon ngayon sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia at nagsisikap na itayo ang bandera ng Filipinas.

Nitong Lunes, nasa ika-14 na puwesto na tayo mula sa pagiging ika-24 sa 45-bansa na kalahok sa Asian Games mata­pos makuha ang tatlong ginto at siyam na tansong medalya, isang linggo bago matapos ang kompetisyon.

Unang nagkaloob ng gintong medalya ang 2016 Rio Olympics silver medallist na si Hidilyn Diaz noong nakaraang linggo matapos ang kanyang panalo sa women’s weightlifting.

Kambal na gintong medalya naman ang pinalo ng Filipinas matapos mag-reyna sa women’s team at women’s individual event sa Golf women’s individual event na ginanap sa Pondok Indag Golf and Country Club sa Jakarta.

Hinabol ang nangungunang si Liu Wenbo ng China papasok sa ika-18 at huling hole, nagsalpak ng pambihirang eagle si Yuka Saso upang alpasan ang karibal na Chinese tungo sa gintong medalya ng golf women’s individual event.

Ayon sa ulat, umiskor ng 66 sa naturang fourth round ang 17-anyos na si Saso para magtapos sa 13-under 275 kabuuang puntos sa unang puwesto kontra sa Chinese na si Wenbo na nagkasya sa 10-under 278 puntos matapos sumablay ng quadruple bogey sa 18th at huling hole.

Hindi lang si Saso, nagpasiklab din ang Filipino golfer na si Bianca Isabel Pagdanganan sa kanyang 9-under 279 puntos tu­ngo sa tansong medalya ng prestihiyosong Asiad golf tour­nament.

Sa ginto ni Saso at tanso ni Pagdanganan, itinanghal ang Filipinas na kampeon sa women’s team event kahit nagkasya sa ika-17 puwesto ang kakampi nilang si Lois Kaye Go.

Dinaig ng Philippine women’s team ang Korea at China na nagtapos sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkaka­sunod.

Bukod sa twin gold medal win na ito ng Filipinas, nanalo rin ng bronze medals sina Jefferson Loon at Dines Dumaan upang iakyat sa 12 kabuuang medalya ang bansa.

Nakatutuwa ang ganitong achievement ng ating mga atleta. Makikita rin na mula nang mapalitan ang mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) ay malaki na ang iniunlad ng ating mga manlalaro.

Nawa’y magtuloy-tuloy na ito patungo sa ibayong pag-unlad ng mga manlalarong Filipino sa iba’t ibang larangan.

SOLID WASTE MANAGEMENT
INIUTOS NI DILG CHIEF AÑO
NA PAUNLARIN SA BARANGAY

NAGLABAS ng memorandum si Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge (OIC) Eduardo Año na inaa­tasan ang bawat barangay na paunlarin ang kanilang Solid Waste Management.

Sa kanyang memorandum, iniutos ni Año sa mga halal na opisyal ng barangay na i-reorganize ang kanilang Barangay Ecological Solid Waste Management Committee (BESWMC).

Sa pamamagitan umano ng reorganisasyon ng komiteng ito sa barangay, magkakaroon ng realidad na maaaring maging maayos at malinis ang bawat lugar sa bansa lalo yaong mga urbanisado na.

Sa totoo lang, kailangan naman talaga ang ganitong pagkakaisa para maging malinis ang ating bansa.

Pero ang ipinagtataka natin, kung hindi tayo nagkakamali, bilyon-bilyong piso ang nakalaang budget  ng bawat lungsod para sa kanilang solid waste management pero bakit may mga lungsod pa rin na naiiwan kapag ‘basura’ ang pinag-uusapan?!

Sabi nga nila, “may pera sa basura.”

At totoo iyan, sa local government officials (LGUs). Sila lang ang nagkakapera habang nabubuhay sa mabahong lungsod ang kanilang constituents.

Hindi naman lahat ng lungsod ay ganyan ang katayuan.

Isang halimbawa ang Makati City na ang pinag-uusapan ngayon ay pagpapakabit ng li­breng wi-fi sa buong lungsod. Habang ang ibang lungsod hanggang ngayon ang isyu ay ma­bantot na basura pa rin.

Sabi nga, ang mga lungsod na ‘yan ay ‘salamin’ ng ating bansa. Maraming turista ang pumupunta sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo doon sa mga siyudad na tourist destination.

Ang siste, kung hindi asong gumagala sa kalye, mapanghing bangketa, ‘e tambak ng basura ang nakikita ng mga turista sa mga pangunahing lansangan.

E paano ba ‘yan, DILG chief, OIC Año?!

Ang daming ganyan sa Metro Manila kahit bilyon-bilyong piso ang budget sa basura?!

Palagay ba ninyo ay tatalab pa ang memorandum ninyo sa mga barangay gayong nakikita nilang matataas na opisyal ng LGUs ang naglulustay?!

Wala bang mas matalas na measure o memo­randum para sa LGU officials na pinag­kikitaan ang bilyon-bilyong budget sa basura kaysa linisin ang lungsod nila?!

Ano sa palagay ninyo, DILG chief Año?!


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS
Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Share
Published by
Jerry Yap

Recent Posts

Murang koryente abot-kaya na

ITINUTULAK ngayon sa Kongreso ang panukalang-batas na nagbibigay ng prangkisa sa isang 100-percent Pinoy corporation na nagsusuplay ng koryente gamit…

4 hours ago

Coco Martin hulog ng langit sa production people ng No.1 seryeng FPJ’s Ang Probinsyano (Nagpa-raffle ng kotse at namigay ng P.5-M)

TO BE EXACT, sa September 28 ay tatlong taon na sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin at…

4 hours ago

Direk Reyno Oposa may malaking movie project sa 2019

Kung ang feeling ng detractors ni Direk Reyno, kaya nananahimik ang kaibigan naming director ay kinalimutan na niya ang pagdidirek…

4 hours ago

Shaina Cabreros chill and relax lang sa career

Bata pa lang ay isinasalang na sa rampahan si Shaina Cabreros ng kaniyang daddy/manager na si Ronnie Cabreros at halos…

4 hours ago

Gabby, umaasa pa ring matutuloy ang movie nila ni Sharon

MAPANGGULAT na pala ngayon itong si Gabby Concepcion. Kundi pa dahil sa promo interviews sa kanya para sa partisipasyon n’ya…

4 hours ago

Joel Lamangan, aarte sa entablado

DALAWANG weekends na magiging batikang aktor si Joel Lamangan. Opo, si Joel Lamangan na premyadong direktor sa pelikula, sa telebisyon,…

4 hours ago