Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mabuhay ang atletang Filipino: PH Ika-14 na sa Asian Games
Mabuhay ang atletang Filipino: PH Ika-14 na sa Asian Games

Mabuhay ang atletang Filipino: PH Ika-14 na sa Asian Games

LET’S be proud at suportahan ang mga atletang Filipino na naroroon ngayon sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia at nagsisikap na itayo ang bandera ng Filipinas.

Nitong Lunes, nasa ika-14 na puwesto na tayo mula sa pagiging ika-24 sa 45-bansa na kalahok sa Asian Games mata­pos makuha ang tatlong ginto at siyam na tansong medalya, isang linggo bago matapos ang kompetisyon.

Unang nagkaloob ng gintong medalya ang 2016 Rio Olympics silver medallist na si Hidilyn Diaz noong nakaraang linggo matapos ang kanyang panalo sa women’s weightlifting.

Kambal na gintong medalya naman ang pinalo ng Filipinas matapos mag-reyna sa women’s team at women’s individual event sa Golf women’s individual event na ginanap sa Pondok Indag Golf and Country Club sa Jakarta.

READ MORE:  Clarkson mas babangis vs Korea

Hinabol ang nangungunang si Liu Wenbo ng China papasok sa ika-18 at huling hole, nagsalpak ng pambihirang eagle si Yuka Saso upang alpasan ang karibal na Chinese tungo sa gintong medalya ng golf women’s individual event.

Ayon sa ulat, umiskor ng 66 sa naturang fourth round ang 17-anyos na si Saso para magtapos sa 13-under 275 kabuuang puntos sa unang puwesto kontra sa Chinese na si Wenbo na nagkasya sa 10-under 278 puntos matapos sumablay ng quadruple bogey sa 18th at huling hole.

READ MORE:  Pamilya Balcoba bigo sa MPD police

Hindi lang si Saso, nagpasiklab din ang Filipino golfer na si Bianca Isabel Pagdanganan sa kanyang 9-under 279 puntos tu­ngo sa tansong medalya ng prestihiyosong Asiad golf tour­nament.

Sa ginto ni Saso at tanso ni Pagdanganan, itinanghal ang Filipinas na kampeon sa women’s team event kahit nagkasya sa ika-17 puwesto ang kakampi nilang si Lois Kaye Go.

Dinaig ng Philippine women’s team ang Korea at China na nagtapos sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkaka­sunod.

Bukod sa twin gold medal win na ito ng Filipinas, nanalo rin ng bronze medals sina Jefferson Loon at Dines Dumaan upang iakyat sa 12 kabuuang medalya ang bansa.

READ MORE:  Kambal na Ginto, pinalo sa tagumpay ng PH Women’s Golf

Nakatutuwa ang ganitong achievement ng ating mga atleta. Makikita rin na mula nang mapalitan ang mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) ay malaki na ang iniunlad ng ating mga manlalaro.

Nawa’y magtuloy-tuloy na ito patungo sa ibayong pag-unlad ng mga manlalarong Filipino sa iba’t ibang larangan.


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Solid waste management iniutos ni DILG chief Año na paunlarin sa barangay
Solid waste management iniutos ni DILG chief Año na paunlarin sa barangay
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved