Categories: News

2 salisi timbog: Chinese nat’l ninakawan sa Macapagal resto

ARESTADO ang dala­wang hinihinalang mi­yembro ng Salisi gang sa ikinasang follow-up operation ng mga tau­han ng Pasay City Police, makaraan nakaw ang clutch bag ng isang Chinese na naglalaman nang mahigit P4 milyon halaga ng mga gamit at salapi habang kumakain sa isang restaurant sa Pasay City, nitong Ling­go ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores ang dala­wang suspek na sina Richard Rivera, 38, resi­dente sa Block 33, Lot 20, Brgy. Bangkal, Silang, Cavite, at Joseph Feli­ciano, 45, driver, nakatira sa Santa Quiteria, Calo­ocan City.

Habang hinahanap ng mga awtoridad ang isa pang suspek na nagsilbing look-out na si Wilson Man­da, 34, residente sa Block 32, Lot 2, Angeles St., City Homes, Sampa­loc  IV, Dasmariñas, Cavi­te.

Ayon kay  Chief Insp. Wilfredo Sangel, hepe ng Station Investi­ga­tion Detective Man­age­ment Branch (SIDMB), nitong nakalipas na Miyerkoles (22 Agosto) habang ku­ma­kain ang biktimang si Quing Rong Li, 42, Chinese national, nego­s-yante, taga-Binondo, Maynila, sa Xiao Long Kan Restaurant sa East Field Center sa Maca­pagal Boulevard, Brgy. 76, ng lungsod, tinangay ng mga suspek ang clutch bag ng dayuhan na naka­lagay sa upuan.

Sa pamamagitan ng CCTV footage ay nakita ang pagdating ng isang sasakyan at pagpasok ng mga suspek sa restaurant at pagkuha nila sa bag ng biktima.

Nakita rin  sa CCTV foot­age ang plaka ng sasakyan ng mga suspek na nirentahan lamang mu­la sa isang rent a car company.

Sa follow-up opera­tion ay nadakip ang dala­wang suspek sa Bangkal, Silang, Cavite ngunit tanging driver’s license, VIP casino card, ATM cards at tsekeng may halagang P1.5 mil­yon lamang ang nabawi.

Hindi nabawi ang ibang laman ng bag ng biktima katulad ng isang iPhone, na P50,000 ang halaga, tseke na may halagang P3.5 milyon, at P250,000 cash.

Sinampahan ng kasong theft at paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code ang mga suspek. (JAJA GARCIA)

 

 

COMMENTS
Jaja Garcia

Share
Published by
Jaja Garcia

Recent Posts

Seguridad ni Palparan sa bilibid tiniyak ni Bato

TINIYAK ni Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa ang seguridad sa loob ng New Bilibid Prison kay retired…

1 day ago

Hatol kay Palparan ikinagalak ng leftist groups

IKINATUWA ng mga makakaliwang kongre­sista ang hatol na “guil­ty” kay dating Heneral Jovito Palparan kaugnay sa pagkawala ng dala­wang estudyante…

1 day ago

Palparan guilty sa ‘dinukot’ na 2 UP students

HINATULAN ng Malolos Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes si dating Major General Jovito Palparan na guilty sa mga kasong…

1 day ago

Singer-aktres, nagkulong dahil sa sampal ng nanay

ANG tindi niyong tsismis ha, bigla na lang daw sinampal ng nanay niya ang isang singer-aktres nang hindi niyon magustuhan…

1 day ago

Kiko, ‘wa ker makipaghalikan sa bading

BONGGA si Kiko Matos, huh! May dalawang pelikula kasi siya sa ToFarm Film Festival 2018, ang Mga Anak ng Kamote mula sa direksiyon ni Carlo…

1 day ago

Marlo, ilang beses napanaginipan ang ina

AYON kay Marlo Mortel, maraming pagkakataon na dinalaw na siya sa panaginip ng namayapa niyang inang si Mrs. Merlie Pamintuan. “After niyang…

1 day ago