Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Chinese nat’l ninakawan sa Macapagal resto
Chinese nat’l ninakawan sa Macapagal resto

Chinese nat’l ninakawan sa Macapagal resto

ARESTADO ang dala­wang hinihinalang mi­yembro ng Salisi gang sa ikinasang follow-up operation ng mga tau­han ng Pasay City Police, makaraan nakaw ang clutch bag ng isang Chinese na naglalaman nang mahigit P4 milyon halaga ng mga gamit at salapi habang kumakain sa isang restaurant sa Pasay City, nitong Ling­go ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores ang dala­wang suspek na sina Richard Rivera, 38, resi­dente sa Block 33, Lot 20, Brgy. Bangkal, Silang, Cavite, at Joseph Feli­ciano, 45, driver, nakatira sa Santa Quiteria, Calo­ocan City.

READ MORE:  Pag-apruba ng Bicam sa 2016 budget iniliban

Habang hinahanap ng mga awtoridad ang isa pang suspek na nagsilbing look-out na si Wilson Man­da, 34, residente sa Block 32, Lot 2, Angeles St., City Homes, Sampa­loc  IV, Dasmariñas, Cavi­te.

Ayon kay  Chief Insp. Wilfredo Sangel, hepe ng Station Investi­ga­tion Detective Man­age­ment Branch (SIDMB), nitong nakalipas na Miyerkoles (22 Agosto) habang ku­ma­kain ang biktimang si Quing Rong Li, 42, Chinese national, nego­s-yante, taga-Binondo, Maynila, sa Xiao Long Kan Restaurant sa East Field Center sa Maca­pagal Boulevard, Brgy. 76, ng lungsod, tinangay ng mga suspek ang clutch bag ng dayuhan na naka­lagay sa upuan.

READ MORE:  Bonifacio Global City drug joints — NBI

Sa pamamagitan ng CCTV footage ay nakita ang pagdating ng isang sasakyan at pagpasok ng mga suspek sa restaurant at pagkuha nila sa bag ng biktima.

Nakita rin  sa CCTV foot­age ang plaka ng sasakyan ng mga suspek na nirentahan lamang mu­la sa isang rent a car company.

READ MORE:  Marijuana bill ni Albano dininig sa Kamara

Sa follow-up opera­tion ay nadakip ang dala­wang suspek sa Bangkal, Silang, Cavite ngunit tanging driver’s license, VIP casino card, ATM cards at tsekeng may halagang P1.5 mil­yon lamang ang nabawi.

Hindi nabawi ang ibang laman ng bag ng biktima katulad ng isang iPhone, na P50,000 ang halaga, tseke na may halagang P3.5 milyon, at P250,000 cash.

Sinampahan ng kasong theft at paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code ang mga suspek. (JAJA GARCIA)

 

 

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved