Categories: Opinion

BoC nagkaisa laban sa mga intriga!

MARAMING isyu ang naglalabasan sa Bureau of Customs pero alam natin na ‘yung mga smuggler ay hindi uubra kay Commissioner Isidro Lapeña at lalo pa silang hihigpitan.

Kaya kung ako sa inyo ay huminto na kayo sa kalokohan dahil seryoso si Comm. Lapeña na wakasan ang inyong mga kalokohan dahil ang gusto niya ay maging maayos na ang sis­tema ng Aduana.

Talagang, he is the right man para sa Aduana dahil na rin sa kanyang kamay na bakal.

Nakagugulat lang ‘yung iba dahil may mga naglalabasang papalitan siya pero suntok ‘ata sa buwan ang mga tsismis n’yo.

Suportahan na lang si Comm. Lapeña dahil napakaganda ng kanyang adhikain sa Bureau of Customs.

***

Congratulations sa mga bagong upong mga Collector. Kagaya ni Atty. Bal Valdez, Atty. Rhea Gregorio, Atty. Edward Ibera, Miko Vargas at ang mga deputy nila at FED chief.

Malapit na ang Ber months kaya malaki ang tiwala ni Commissioner sa magagaling na district collectors na maaabot nila ang kanilang targets.

Sa 17 ports na ito ay sobra ang expectation ni Commissioner Sid kaya sana hindi siya mabigo sa inyo.

Nakatutuwa lang ang nangyayari dahil kahit sinong politiko ay hindi nakikialam sa Aduana at walang pinapoporma si Commissioner Lapeña kaya naman matiwasay ang isip ng mga emple­yado.

‘Yung mga matagal na hindi na-promote ay nabigyan ng chance para umangat ang kanilang plantilla position.

Mabuhay kayo Comm. Lapeña! Isa kang tunay na public servant.

***

Congratulations sa buong Port of NAIA sa pangunguna ni Coll. Carmelita Talusan. Ang Port na ito ang may pinakamaraming huli at napaka­galing nilang lahat.

Nitong nakraang linggo ay nakahuli sila ng mga party drugs na nagkakahalaga ng P25 milyon.

Dahil sa maagap at mga nagkakaisang em­ple­yado ng NAIA, kasama ang ESS, CIIS ay nahuli ang mga ipinagbabawal na gamot.

Talagang walang makalulusot sa NAIA na mga droga dahil monitor lahat ng mga tao ni Coll. Talusan at masagana rin ang kanilang collection target.

Sabi nga niya: “Hit the target!”

Kaya naman palaging hit ang target sa kagaya niyang sharp shooter.

Magaling ang mga tao niya kagaya ni DepCol. Divina Garrido, Atty. Ruby Alameda, Atty. Rhea Gregorio na Collector na sa Subic, Atty. Marlon Agaceta, Coll. Dan Oquias, Coll. Arnold Dela Torre, ang ESS under Maj. Rody Gonzales, Capt. Cecil Bondoc, Capt. Manny Zurbito, Lt. Ariz Cas­tillo, Ray Isais, Ronald Moreno, Coll. Perry Tizon at iba pa.

Kudos sa inyong lahat sa NAIA. Keep up the good work!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

COMMENTS
Jimmy Salgado

Share
Published by
Jimmy Salgado

Recent Posts

Jodi, muling nag-top sa klase

SA mga tinatamad nang mag-aral dahil malaki na ang kita nila at may anak na, tularan n’yo si Jodi Sta. Maria. …

6 hours ago

Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)

Bumalik sa bansa kamakailan ang controversial na businesswoman na si Kath Dupaya at ilang araw lang  siyang nag-stay at agad…

6 hours ago

RS Francisco super husay na stage actor

Marami na kaming napanood na stage play pero masasabi naming isa sa pinakamaganda at most expensive local play itong pinagbibidahang…

6 hours ago

Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live

NABUKO ni Willie Revillame ang modus ng mga booker sa kanyang variety game show na niraraket ang mga kaawa-awa nating…

6 hours ago

Sylvia at Carlo, nanguna sa opening ng BeauteDerm 41st branch sa Ali Mall

SOBRANG naging successful ang ginanap na opening ng 41st physical store ng Beautefy by Beautederm sa Ali Mall. Dinumog ng mga…

7 hours ago

Sen. Angara, isinusulong ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism

ISINUSULONG ni Sen. Sonny Angara ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism. Base sa bill na…

7 hours ago