Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ahensiya ng bigas mabubuwag
Ahensiya ng bigas mabubuwag

Ahensiya ng bigas mabubuwag

MALAPIT nang mabu­wag ang National Food Authority (NFA) kapag naaprobahan ang batas na magpapahintulot sa pribadong sektor na mag-angkat ng bigas upang lumaki ang supply sa bansa.

“Well, ito naman po ang direksiyon na tina­tahak natin, dahil iyong panukalang batas na tariffication po [ay naipasa], mawawalan po talaga ng saysay na ang NFA,” ayon kay Pre­sidential Spokesman Harry Roque kahapon, bilang tugon sa pana­wagan ng ilang mam­babatas na buwagin ang NFA.

READ MORE:  Plunder vs ex-Puerto Princesa mayor (Cebu mayor, treasurer, kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan)

Napaulat na nagsa­gawa ng fumigation ang NFA sa daan-daang li­bong sako ng bigas na may bukbok dahil sa init sa barko na bumiyahe mu­la Thailand kaya na-delay ang pagdiskarga sa Subic Bay Freeport at Tobacco City, Albay.

Ang liberalisasyon ng importasyon ng bigas, ayon sa Department of Finance (DOF), sa pama­magitan nang pagpasa sa rice tarrification bill, ay mahalaga upang maka­agapay ang mahihirap sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo ng bigas.

READ MORE:  Kawalan ng NFA rice sinasamantala ng private traders

Giit ni Roque, mara­ming dapat ipaliwanag ang NFA at hindi katang­gap-tanggap na bukbok ang dahilan kaya naan­tala ang pagdiskarga ng daan-daang libong sako ng bigas mula Thailand.

“Sinabi na po ng NFA na bagama’t may bukbok iyan ay mayroon naman pong remedyo diyan. Hindi po namin sinasabi na katanggap-tanggap iyan. Ang sinasabi nila ay dahil daw po sa patuloy na pag-ulan. Pero sa tingin ko marami pa rin talagang dapat i-explain ang NFA kung bakit natagalan sila sa pag­baba,” sabi ni Roque.

READ MORE:  No rice shortage — DA

Umabot sa P70 kada kilo ng bigas sa ilang lugar sa bansa bunsod ng kakulangan ng supply.

(ROSE NOVENARIO)


Solon nanawagan: NFA chief resign
Solon nanawagan: NFA chief resign
COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved