Categories: Showbiz

KathNiel, mapapanood sa mas level-up nilang mature movie na “The Hows Of Us”

KUNG dati ay pagpapaiyak, pagpapatawa at pag­papakilig ang hatid nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sa bagong proyekto na “The Hows Of Us” na latest movie offering ng Star Cinema ay mas mabigat na pag-arte na ang ihahain ng tambalang KathNiel para sa mga manonood.

“I am very happy for the two. Matagal nang hinihingan ako ng mga fans na something different, level up ganiyan, and more mature roles,” sabi ni Cathy Garcia-Molina, ang direktor ng “The Hows of Us,” ang bagong pelikula nina Kathryn at Daniel.

Ayon naman sa KathNiel, talagang layon nilang magbigay ng panibagong klase ng pag-arte para sa kanilang mga fans.

“‘Yun naman talaga ang goal namin na iba-iba siya,” sabi ni Kathryn. Para naman kay Daniel ay dapat mas abangan ang kuwento ng bago nilang pelikula.

“Actually ‘yung mismong istorya, ‘yung mismong laman, ang core ng pelikula na ‘to is ‘yun ‘yung kailangan nilang abangan,” sabi ni Daniel.

Ipapalabas ang “The Hows of Us” ngayong 29 Agosto, araw ng Miyerkoles. Parte rin ng cast sina Susan Africa, Jean Garcia, Ria Atayde, Alwyn Uytingco, Darren Espanto etc.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


READ: 40 official candidates sa “Miss Millennial Philippines 2018” ipinakilala na sa Eat Bulaga
READ: Young actor na si Christian Gio sasabak na sa kauna-unahang ndie Film sa 2019 at posibleng magkaroon pa ng endorsement
COMMENTS
Peter Ledesma

View Comments

Share
Published by
Peter Ledesma

Recent Posts

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o…

8 hours ago

3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na…

8 hours ago

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay

KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan…

9 hours ago

Atty. Falcis, may bagong inaaway

NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon…

9 hours ago

Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?

NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”,…

9 hours ago

Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team…

9 hours ago