Categories: Sports

Kambal na Ginto, pinalo sa tagumpay ng PH Women’s Golf

KAMBAL na gintong me­dalya ang pinalo ng Filipinas matapos mag-reyna kahapon sa women’s team at women’s individual event ng umiinit na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Naghahabol pa sa nangu­ngunang si Liu Wenbo ng China papasok sa ika-18 at huling hole, nagsalpak ng pambihirang eagle si Yuka Saso upang alpasan ang karibal na Chinese tungo sa gintong medalya ng golf women’s individual event na ginanap sa Pondok Indag Golf and Country Club sa Jakarta.

Umiskor ng 66 sa naturang fourth round ang 17-anyos na si Saso para magtapos sa 13-under 275 total na puntos para sa unang puwesto kontra sa Chinese na si Wenbo na nagka­sya sa 10-under 278 total na puntos matapos sumablay ng quadruple bogey sa 18th at huling hole.

Nagpasiklab rin ang isa pang Filipino golfer na si Bianca Isabel Pagdanganan sa kanyang 9-under 279 total tungo sa tansong medalya ng prestihi­yosong Asiad golf tournament.

Bunsod ng ginto ni Saso at tanso ni Pagdanganan, ang Filipinas din ang itinanghal na kampeon sa women’s team event kahit pa nagkasya lamang sa ika-17 puwesto ang kakampi nilang si Lois Kaye Go.

Dinaig ng Philippine women’s team ang Korea at China na nagtapos sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Bukod sa twin gold medal win na ito ng Filipinas, nanalo rin ng bronze medals sina Jefferson Loon at Dines Duma­an upang iakyat sa 12 kabuuang medalya ang bansa.

Magugunitang kahapon ay nasa ika-24 na puwesto ang bansa at umakyat na ngayon sa ika-14 puwesto mula sa 45-nation Asian Games bunsod ng tatlong gintong medalya at siyam na tansong medalya, isang linggo pa bago matapos ang naturang kompetisyon.

Ang 2016 Rio Olympics silver medallist na si Hidilyn Diaz ang nagbigay ng unang ginto sa Filipinas noong nakaraang linggo matapos ang kanyang panalo sa women’s weightlifting.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS
John Bryan Ulanday

Share
Published by
John Bryan Ulanday

Recent Posts

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos…

12 hours ago

Racasa sasabak sa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang…

13 hours ago

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa…

13 hours ago

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig. Ayon kay Davao…

13 hours ago

Magulang sinaksak ng anak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa…

13 hours ago

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad…

13 hours ago