Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?
Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?

Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?

BILYON-BILYON ang nawawala sa gobyerno dahil hindi idinedeklara ng tinaguriang Lord of Scent na si Joel Cruz ang kinikita ng kanyang kompanyang gumagana ng iba’t ibang pabangong pang-masa.

Kaya naman gusto nating tanungin ang Bureau of Internal Revenue (BIR), totoo bang halos P6.4-B ang tax liability ni Cruz sa gobyerno?!

Kamakailan, ‘yan ang ibinunyag ng nagpapakilalang businesswoman na si Ms. Kath Dupaya.

Sabi niya, “At alam n’yo ba na ang total na binayaran lamang ng Central Affirmative Co., Inc., (CACI), kompanya ni Cruz, sa loob ng 10 taon ay P14,807,987.19. Kaya pala ganoon siya kayaman.” 

Ayon kay Ms. Dupaya, sa isinagawa nilang research, ang state of the art factory ni Cruz, ang Sterling Industrial Park na nasa Meycauayan, Bulacan ay hindi nakarehistro sa BIR.

READ MORE:  Medical clinics na dapat iwasan ng OFWs para sa kanilang medical & dental certification

Ganoon din umano ang Forest Lodge Hotel ni Cruz sa Baguio.

Aniya, “Ang mansion ni Joey ginawang tourist spot sa Baguio na bago ka makapasok sa loob at mag-tour ay kailangang bumili ng pabango worth P250 parang entrance pero walang receipt na ibinibigay.

Bukod sa mga nasabing propriedad, mayroon din siyang properties sa Canyonwoods sa Batangas, Manila, at Baguio, ang Chino Hills sa California, USA, isang Beach pa sa house sa USA, at isang building sa USA.

READ MORE:  ‘Di matatakasang inflation tunay na isyung dapat harapin ng PH

Totoo rin ba ang ibinunyag ni Dupaya na noong 2010 pa ay hindi na nagpa-file ng income tax?

Kung totoo ito, aba e bakit hindi hinahabol ng BIR si Joel Cruz?!

Ganyan ba talaga ang BIR? Kapag supposedly big time taxpayer ay masyado silang maluwag?!

Pero kapag middle or lower businessman ay grabeng ginigipit at kinukuwentahan ng pagka­laki-laking bayarin sa buwis.

Kung hanggang ngayon ay hindi pa nahahabol g BIR si Joel Cruz, palagay natin ay panahon na para busisiin ang ‘sinasabing’ utang niya sa gobyerno.

Kung ang mga negosyanteng gaya ni Joel Cruz ay nababantayan ng BIR at nakapagbabayad ng tamang buwis, palagay natin ay walang dahilan ang gobyerno para gumawa ng TRAIN Law na ang labis na pinahihirapan ay maliliiit na nego­s-yante at maliliit na mga konsyumer at mga mamamayan.

READ MORE:  Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?

Commissioner Cesar Dulay Sir, sabi nga ni Ms. Dupaya, Ikaw na ang bahala kay Joel Cruz. 

Panahon na, Mr. Commissioner!


‘Move on’ na walang sorry puwede ba ‘yun?

READ: ‘Move on’ na walang sorry puwede ba ‘yun?


sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved