Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / I didn’t want to be labeled EPAL — Kris
I didn’t want to be labeled EPAL — Kris

I didn’t want to be labeled EPAL — Kris

SIX days ago pa ang pinakahuling post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Kaya naman marami ang nagtataka sa pananahimik ng tinaguriang Queen of Online World and Social Media.

Hindi kasi pangkaraniwan ang sinasabing pananahimik ni Kris lalo’t sanay ang marami sa pagiging active niya sa social media. Sunod-sunod ang naging post ni Kris ukol sa kanyang amang si dating Sen. Ninoy Aquino noong Agosto 21 gayundin sa pagiging kamukha ng kanyang bunsong si Bimby ng kanyang ama.

At ang pinakahuling post ay ukol sa pagsasabing magiging inactive ang kanyang IG hanggang hindi pa napipirmahan, naseselyuhan, at nakukuha ang kung anuman ang tinutukoy ng aktres.

Sinabi pa ni Kris sa kanyang post na nasa ‘secure place’ siya ng kanyang buhay kaya huwag mag-alala ang mga taong nagmamahal sa kanya lalo’t naging bukas siya sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Tiniyak pa ni Kris na ine-enjoy niya ang kasalukuyang katahimikan at sinabing, ”i shall let my next chapter surprise all of us.”

Narito ang kabuuang post ni Kris ukol ditto, ”the GIFT is to make it seem effortless… so until everything is signed, sealed, and achieved- this IG feed will be inactive (fyi this is the only platform i asked my team to give me 100% control of, so this is ME at my most real)… i’m finally learning when people don’t know your next move, they won’t know what to attack; but i also know when days pass w/ absolute quiet from me, some of you who genuinely care about me worry- most especially because i’ve been open about my health challenges…please rest your minds- i’m in a secure place in my life… that’s why i’m comfortable enough to enjoy the peace that silence can bring, and i shall let my next chapter surprise all of us. with love & appreciation, KCA ”

Samantala, nag-post naman ang @chowkingph ng picture ni Kris three days ago at may caption na,”Crazy successful ang Crazy Rich Asians, and we’re crazy happy for you, Ms. Kris! Congratulations!”

Nais namang ipaalis ang post na ito ni Kris ayon sa kanyang isinagot. Aniya, alam niyang maganda ang intention ang chowkingph subalit ayaw niyang masabihang ma-epal.

READ MORE:  Raymond Francisco, full time producer na
READ MORE:  Kris, may hamon sa bashers, magdo-donate sa 47 iskul

Agad nga siyang nanahimik sa social media bago ipalabas ang Crazy Rich Asians dahil ayaw niyang maging target ng mga makaka-stress sa kanya at mga salitang ‘di magagaganda.

Aniya,”I know you had the best of intentions BUT the reason i got off social media right before the showing of @crazyrich­asians  was because i didn’t want to make myself a target of unneces­sary stress & trolling… i purposely chose to keep quiet & not even attend a single screen­ing of CRA here in the because i didn’t want to be labeled EPAL. I res­pectfully ask the admin of this  @chowkingph  feed to remove this post?…”

Sinabi pa ni Kris na pinili niyang hindi i-drumbeat ang pelikula dahil masaya na siya sa magagandang sinasabi o papuri na nagmula sa mga kaibigan, supporters, at iba pa na hindi niya kilala na nagsasabing pumapalakpak nang lumabas siya sa eksena.

READ MORE:  Kris Aquino, hindi pa rin makalimutan si Mayor Herbert Bautista!

I chose to not drumbeat the movie because it was more than enough for me to hear from friends & sup­porters, and read posts of people i don’t even know that the audience in cinemas would spontaneously applaud during my brief screen time… in a country now dominated by hate it is victory enough that i haven’t chosen to go as low as the purveyors of vitriol.”

Sa huli, sinabi pa ni Kris na walang crab o alimango sa menu ng Chowing kaya huwag nang bigyan ng space makapag-promote ng produktong wala sa kanila. ” @chowkingph wala naman tayong crab  or alimango sa menu natin- so wag nang bigyan ng space mag promote ng produktong hindi naman natin sine-serve. #truth.”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


 

Darren, nag-workshop para sa The Hows Of Us
Darren, nag-workshop para sa The Hows Of Us
Goyo, mas malaki kaysa Heneral Luna
READ: Goyo, mas malaki kaysa Heneral Luna

 

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved