Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Magkaribal muling magtatagpo: Gilas-Korea laglagan sa QF ng Asiad
Magkaribal muling magtatagpo: Gilas-Korea laglagan sa QF ng Asiad

Magkaribal muling magtatagpo: Gilas-Korea laglagan sa QF ng Asiad

WALA na marahil mas makasaysayang rivalry sa Asian basketball kaysa alamat ng Filipinas at South Korea.

At ngayong araw ay magka­karoon ng bagong kabanata ang naturang rival­ry sa muling paghaharap ng dalawang kopo­nan sa kru­syal na quarterfinals ng idi­naraos na 18th Asian Games sa GBK Hall sa Jakarta, Indonesia.

Nakatakda ang sagupaan sa 11:00 ng umaga kung kailan hahangad ang Fili­pinas na sa wakas ay maka-iskor muli sa Asian tormen­tor na South Korea upang makapasok sa semi-finals ng quadrennial tour­nament sa kontinente.

Naganap ang paniba­gong bahagi ng Filipino-Korean rivalry matapos manguna sa Group A ang Korea at sume­gunda sa Group D ang Filipinas.

READ MORE:  Batang Gilas pang-apat lang

Mabigat na paborito sa laban ang Korea, lalo na’t umis­kor ng 38 puntos na winning margin sa preli­minary round kontra sa Mongolia, Thailand at Indo­nesia upang pangu­nahan ang Group A.

Sa kabilang banda, under­dog na papasok sa hara­pan ang bansa matapos sumegunda lang sa Group D sa likod ng China.

Ibinaon ng Filipinas ang Kazakhstan, 96-59 bago kapu­sin sa China, 80-82.

Magugunitang noong na­kara­ang 2014 Asian Games na ginanap sa Incheon, South Korea ay pumalag ang Filipi­nas bago tumirik sa dulo 95-97 upang malaglag sa kon­tensiyon ng naturang Asiad.

Bukod doon, hindi pa nana­nalo ang bansa sa Korea sa Asian Games sa loob ng 56 taon o buhat nang giyahan ni Caloy Loyzaga ang Filipinas sa panalo kontra Korea tungo sa gintong medalya ng bansa sa Asiad basketball.

READ MORE:  Gilas lumipad na pa-Jakarta

Iyon ang ikaapat na gintong medalya ng Filipi­nas sa Asiad basketball at sa kasamaang palad ay huli na rin hanggang sa kaslau­kuyan.

Upang maisakatuparan iyon ay sasandal si head coach Yeng Guiao kina Jordan Clark­son, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

Nagrerehisto si Stand­hardinger ng 16.5 puntos at 6.5 rebounds kada laro, may 16 puntos din na rehistro si Pringle habang umariba sa 28 puntos, walong rebounds at apat na assists si Clarkson sa kanyang Filipinas debut kontra sa China.

READ MORE:  Guiao alanganin pa sa NT head coaching job

Ngunit hindi magiging madali iyon kaysa inaasahan dahil haharang sa kanilang daan ang dating PBA at Star Hotshots na import na si Ricardo Ratliffe na nagsi­silbing naturalized player ng Korea ngayon.

Mayroong rehistro na 23.3 puntos at 13 rebounds sa tatlong laro, makaaasa naman ng tulong ang 6’8 na si Ratliffe sa top scorer ng Korea na si Jeon Jun-Beom na may 16.3 puntos na rehistro sa 57% shooting mu­la sa tres.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved