Categories: News

Anti-Leni survey boomerang kay Bongbong

TILA bala ng baril na nag-backfire la­ban kay dating senador Bongbong Marcos nang makailang beses luma­mang si Vice President Leni Robredo sa pa-survey ng kanilang mga taga­suporta sa Twitter.

Sa obserbasyon ng ilang netizens, naging tampulan ng kantiyaw sa social media nang mag-backfire ang nasabing Twitter polls, gaya ng isang pa-survey na gina­wa ng Twitter user na si @SenImeeMarcos — na umano’y pinatatakbo ng isang “loyal supporter” ng kapatid ni Bongbong na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Sa nasabing Twitter poll, tinanong ang neti­zens kung sino ang kani­lang VP. Nang lumarga ang mga boto para kay Robredo, na nakakuha nang hanggang 71%, ini-delete ng nasabing user ang kaniyang Twitter poll. Pero nagtangkang mag­simula muli ng kapa­rehong pa-survey, bago nag-private ng kaniyang account.

Ang Twitter user na­man na @WeAreUnited­DDS ay nagpa-poll gamit ang tanong na: “Kung magre-resign si PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) bilang Presi­den­te, sino ang gusto ninyong pumalit sa kanya?”

Sa halos 11,000 votes ay malaki rin ang naging lamang ng Bise Presiden­te, na nakakuha nang hang­gang 86%. Binura na rin ng nasabing user ang kaniyang Twitter poll, at gumawa ng bagong sur­vey.

Lumabas ang nasa­bing Twitter polls sa gitna ng pambabatikos na nakuha ni Imee patung­kol sa kaniyang komento na dapat nang mag-”move on” ang mga Filipi­no sa mga isyu ng pagna­nakaw at pang-aabuso na nakakabit sa ama nilang si dating pangulong Fer­dinand Marcos.

Ayon sa gobernador, naka-”move on” na raw ang mga kabataan o mil­lennials, mula sa mga isyung ito, at dapat rin malampasan ng kaniyang mga kahenerasyon.

Pero mariing itinanggi ito ng millennials at uma­ni ng batikos ang nasabing komento, sa iba pang sektor.

Ayon sa human rights group na Karapatan, isang ‘delusion’ ang pana­naw na ito ni Imee.

Dagdag nila, hindi maaaring makausad ang mga Filipino hangga‘t hindi naihahain ang hus­tisya para sa mga biktima ng pang-aabuso noong Martial Law.

Binara rin ng youth group na Samahan ng Progresibong Kabataan o Spark si Imee, at ipina­alala na millennials mis­mo ang nanguna sa mga protesta laban sa pagli­libing sa kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.

Bumuwelta ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan laban sa naging pahayag ni Imee, at sinabing nag­papakita ito na walang bahid ng pagsisisi o pana­nagutan ang anak ng pumanaw na diktador.

Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros, at iba pang senador mula sa opo­sisyon, na dapat munang isauli ng mga Marcos ang kanilang ninakaw sa kaban ng bayan, at hu­mingi ng tawad para sa libo-libong human rights abuses.

Ayon sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), na namamahala sa pagba­balik ng ill-gotten wealth, umaabot sa $10 bilyon ang nakulimbat ng mga Marcos. Tinatayang P170 bilyon pa lang rito ang na-recover sa loob ng 30 taon.

HATAW News Team

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Kabataan Kontra Droga at Terorismo inilunsad (Sa Davao City)

PINANGUNAHAN ni dating Special Assistant to the People SAP Christopher “Bong” Go ang paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo…

22 hours ago

Grabeng sakit ng tiyan tanggal agad sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Minsan ako ay galing sa El Shaddai at naglilingkod bilang usherette. Sa aking pag-uwi nadatnan…

22 hours ago

Eat Bulaga paboritong show pa rin sa buong bansa, katapat na It’s Showtime consistent na talo sa NUTAM ratings

NAGPAPASALAMAT ang lahat ng hosts ng Eat Bulaga sa televiewers sa pangunguna nina Tito Sen, Bossing Vic Sotto, at Joey…

22 hours ago

Marian Rivera, 4 years nang endorser ng Nailandia Spa na mahigit 130 branches nationwide

Bale 4 years na pa lang endorser ng Nailandia si Marian Rivera at sa renewal ng kanyang contract sa Relish…

22 hours ago

Alma Concepcion, nalungkot sa sexual harassment sa Miss Earth

IPINAHAYAG ni Alma Co­ncep­cion na ikinalungkot niya ang pumutok na isyu ng sexual harassment sa tatlong Miss Earth 2018 candidates…

22 hours ago

Macoy Mendoza, excited nang magkaroon ng single

EXCITED na ang newbie singer na si Macoy Mendoza sa paglabas ng kanyang first single. Ang title nito ay Pwede Kaya at…

22 hours ago