Categories: Showbiz

Anne, pinakamatinong showbiz idol ng 2018

DALAWANG transpormasyon ang magaganap kay Anne Curtis sa taong ito. Actually, naganap na ‘yung isa, ang pagiging “action queen” n’ya.

Ibinalik na sa mga sinehan ang Buybust na halos wala siyang ginawa kundi makipagbakbakan nang makipagbakbakan.

Tumitipak din naman sa takilya ang pelikula.

Ayon sa direktor nitong si Erik Matti, naka-P97-M na ang kita ng pelikula worldwide. Ibinalita ‘yon ni Direk sa Instagram post n’ya. “Worldwide” ang kita dahil naipalabas din sa ibang bansa, pati na sa international festivals, ang pelikula. Dalawang beses ngang nangibang-bansa si Anne para dumalo sa mga festival.

May expectations na aabot din sa P100-M ang gross receipts ng Buybust.

Samantala, malamang na sa mga sinehang nagtatanghal ng Buybust ngayon ay ipinalalabas din ang trailer ng Aurora, isang horror-thriller sa direksiyon ng balik-pelikulang si Yam Laranas.

Una naming napanood ang trailer sa sinehang pinanooran namin ng A Day After Valent­ine’s na produk­siyon ng Viva Films, co-producer ng  Buybust at Au­rora.

Approved na ang Aurora bilang official entry sa Metro Manila Films Festival 2018. Naaprub ito batay sa isinumiteng script. Kaya, opo, magiging “horror-thriller queen” naman si Anne sa panahon ng Kapaskuhan, na panahon din ng MMFF sa bansa. (Of course, sanay na ang ma­dlang Pinoy na manood ng horror movies during Christmas season.)

Samantala, kapag nanood kayo ng Buybust, huwag n’yong isiping realidad ang pinanonood n’yo. Lik­hang-sining lang ang lahat ng violence sa pelikula. Ipinlano, inensayo, inuulit ‘pag may palpak, at kinukunan ‘pag perpekto na.

Hindi totoong may isang buong slums (squatters’ area) sa bansa na nanlaban sa drug enforcers at nagpatayan mula sila gabi hanggang umaga na siyang ipinakikita sa pelikula.

Matagumpay din nga pala ang solo concert ni Anne na Anne Kulit sa Smart Araneta Coliseum. Ultimong si Maine Mendoza ng Eat Bulaga ay nag-enjoy sa panonood ng hit na hit na show.

Si Anne nga siguro ang pinakamatagumpay na showbiz idol ngayong 2018. Happily, deserve naman n’ya ang lahat ng tagumpay n’ya. At napakatino n’yang tao. Walang bisyo. Walang kagalit. Walang hinahamak.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas


Target box office income ng PPP, hindi naabot

 

COMMENTS
Danny Vibas

View Comments

Share
Published by
Danny Vibas

Recent Posts

11 patay, 60 missing sa Cebu landslide

UMABOT na sa 11 katao ang kom­pir­madong namatay habang 60 ang nawawala sa pagguho ng bahagi ng isang bundok sa…

7 hours ago

Ken, na-pressure kina Miguel at Kris; aminadong nahirapan sa bagong serye

AMINADO si Ken Chan na mas hirap siya sa papel niya bilang Boyet sa My Special Tatay kaysa papel niya…

15 hours ago

Nadine, tumulong na, na-bash pa

WALA na talagang pinatatawad ang mga basher dahil kahit ang simpleng pagtulong sa mga nangangailangan ng mga artista ay bina-bash…

15 hours ago

Gabby, allergic pag-usapan si Sharon

NO reaction at ayaw magbigay ng komento ang mahusay na actor na si Gabby Concepcion kapag itinatanong si Sharon Cuneta.…

15 hours ago

‘Pagtakbo’ ni Dingdong, kinompirma ni Marian

SIGAW sa dyaryo, sasa­mahan ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes sa pagtakbo.  Kaya marami ang nag-isip na papasok na ang aktor sa…

15 hours ago

Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano

KUNG si Coco Martin ang masusunod, gusto nitong magkaroon ng special appearance si Maine Mendoza sa FPJ’s Ang Probinsyano para…

15 hours ago