Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janine ng TnT, pinatatag ng mga negatibong komento
Janine ng TnT, pinatatag ng mga negatibong komento

Janine ng TnT, pinatatag ng mga negatibong komento

 

KASAMA na ang kuwento ng buhay ng pananagumpay ng mga taong natutunghayan natin sa mga patimpalak at reality shows na ibinabahagi lagi ng longest drama anthology in Asia, ang MMK (Maalaala Mo Kaya) hosted by Ms. Charo Santos sa Kapamilya.

Sa Sabado, Agosto 25, ang istorya ng “Millennial Kontesera” na si Janine Berdin ang tampok sa sinaliksik at isinulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos at idinirehe ni Dado Lumibao.

READ MORE:  Rufa Mae, nagpapapansin dahil ‘di na sikat

Mismong si Janine ang gumanap sa kanyang life story kasama sina Yesha Camille, Joj Agoangan, Richard Quqn, Bea Basa, at Jenine Desiderio.

Ano-ano ang mga hugot ng tubong Cebu na si Janine na mula pa lang limang taong gulang eh, kinakitaan na ng pagkahilig talaga sa pagkanta?

At naging bahagi na ng buhay ang pagsali-sali sa mga kontes na sinuportahan ng mga magulang at inenrol pa siya sa mga singing workshop.

READ MORE:  Baho ni matinee idol, sumisingaw na

Maski umaarte na siya sa Cebu, hindi nawala ang hilig ni Janine sa kanyang first love.

Sa kabila ng mga negatibong komento sa kanya sa mga nasasalihang paligsahan, hindi nawalan ng loob si Janine kaakay ang kanyang ina na kakayanin niyang sagupain ang pagsali sa TNT (Tawag ng Tanghalan) sa Maynila.

Ang kantang Nosi Balasi ang awit ng buhay niya at ang patuloy na nagtulak sa kanya para hindi indahin ang mga panlilibak sa kanya.

READ MORE:  Mayhem ni Steven Yeun, kinatakutan ng mga taga-MTRCB

Lakas ng loob. Panalangin. Ang maging fighter. Na nagbunga para siya na ang tanghaling Grand Champion sa ikalawang season ng TNT.

Tunghayan ang struggles na dinaanan ni Janine para marating ang pangarap na sa munting edad ay iningatan at inilagak na sa isang sulok ng kanyang puso.

HARD TALK!
Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved