Categories: Opinion

Isang panawagan kay Sen. Grace Poe

KAMAKAILAN, sa harap ng puntod ng yumaong Ferdinando Poe Jr., sa Manila North Cemetery, ginunita ng ilang tagasuporta ang ika-79 aniber­saryo ng kapanganakan ng tinaguriang “Hari ng Pelikulang Pilipino.”

Nakalulungkot mang sabihin, pero hindi tulad noong mga nakaraang taon, higit na mas marami ang nagtutungo sa puntod ni FPJ. Maging aniber­saryo man ng kapanganakan o ng kanyang kamatayan, ang mga tagasuporta at nagmamahal ay hindi nakalilimot kay FPJ.

Pero totoo nga bang nilimot at tinalikdan na si FPJ?

Hindi! Marami ang nagmamahal kay FPJ, at naririyan lamang sila at naghihintay para tulu­yang makapaningil sa nangyaring pagkamatay ng kanilang idolo.

Hindi malilimot at maiibsan ang galit ng mga supporter ni FPJ kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Kumbisido at naniniwala silang ang pagkamatay ng kanilang idolo ay dahil sa ginawang pandaraya ni GMA kay FPJ noong 2004 presidential elections.

At ngayon, higit na matinding galit ang nararamdaman ng mga tagasuporta ni FPJ. Sa kabila ng kawalang hustisyang nakamit sa kanyang pagkamatay, parang “biro ng langit” ang nangyari nang makabalik pa sa kapangyarihan ang kanilang isinusumpang si GMA.

Sa pamamagitan ng isang kudeta, naluklok bilang speaker ng House of Representatives si GMA kapalit ni dating Speaker Pantaleon Alvarez. Sa ngayon, si GMA ang isa sa pinaka­maka­pangyarihang politiko sa bansa.

Kaya nga, nararapat lang na kumilos si Senator Grace Poe. Hinog ang sitwasyon para mu­ling manariwa sa kamalayan ng taong bayan ang ginawa ni GMA kay FPJ.  Hindi dapat makon­tento si Grace sa karampot na “media exposure” na ibinibigay kay FPJ.

Hindi sapat ang “social media” para maabot ang taong bayan sa mga kaganapang may kaugnayan kay FPJ.  Mayroon man lang ba tayong nakitang nakasabit na tarpaulin sa mga kalye sa paggunita ng anibersaryo ni FPJ?

Nakalulungkot dahil bukod sa madalang na pagpapalabas ng mga pelikula ni FPJ sa telebisyon, tanging sa anibersaryo lang ng kanyang kamatayan at kapanganakan muling naaalala si Da King, ang taong minsan ay nagbi­gay ng pag-asa sa maliliit nating mga kababayan.

Maraming magagawang aktibidad para muling maalala ang masakit na sinapit ni FPJ sa kamay ni GMA.  Ang paglulunsad ng maliliit na kilos-protesta ay maaaring gawin, symposium o talakayan, at patimpalak sa pagguhit at pagtula sa buhay ni FPJ.

Hindi pa huli ang lahat, pero siyempre si Grace pa rin kasi ang makapagdedesisyon kung patuloy niyang ipaglalaban ang kanyang amang si FPJ. Hindi natin makalilimutan ang sinabi ni Grace nang una niyang pasukin ang mundo ng politika… “ang inumpisahan ng tatay ko, ipagpapatuloy ko!”

Sana nga, sana nga…

SIPAT
ni Mat Vicencio

COMMENTS
Mat Vicencio

Share
Published by
Mat Vicencio

Recent Posts

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

1 hour ago

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong, Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo. Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo…

1 hour ago

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang…

1 hour ago

Lusot si Bam

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang kasabihang maaaring maikabit sa tumatakbong kandidato sa pagkasenador na si Senator Bam Aquino.…

1 hour ago

Bakit pinaslang ng SC ang wikang Filipino?

KUNG sa kasalukuyang panahon pala nabuhay ang pambansang baya­ni na si Gat Jose Rizal ay siguradong sa karsel pa rin siya…

2 hours ago

2,500 Navoteño nagkatrabaho sa cash-for-work

UMABOT sa 2,500 Navo­teño ang kumita ng extra income sa pagkakaroon ng cash-for-work sa Pama­halaang Lungsod ng Navo­tas. Nakatanggap ng…

4 hours ago