Categories: News

Matinong 3rd telco, malabong matuloy

HINDI pa rin malulutas ang patong-patong na problema ng subscribers sa ginagamit nilang telco.

Ang higit na masakit, hindi magkakaroon ng 3rd Telco na mapagpipilian o malilipatan ang mga subscriber dahil malabo na itong matuloy.

Nabatid ito nang mabuyangyang na wala nang frequencies (o karagdagang signal) na maibibigay ang National Telecommunication Commission (NTC) at ang Department of Infor­mation and Commu­nications Technology (DICT) sa New Major Player (NMP) dahil ang pagpapalawak ng fre­quen­cies ay nakabinbin sa mga kaso sa Supreme Court.

Sa obserbasyon ng isang fund manager, “Ito ang hindi sinasabi ng NTC at DICT at tulad na rin sa lagay ng Telstra, hindi ito magiging maka­totohanan, lalo sa foreign investors,”

Hiniling ng fund manager na itago muna ang kayang pagkaka­kilanlan dahil sa maselang usapin ng seguridad.

“Kung kaya ang isang matino, abot kaya’t komprehensibong serbisyo ng isang telco ay malabong matuloy.”

Aniya, tiyak na maa­antala ang NMP dahil sa kakulangan ng malinaw na direksiyon mula sa NTC at sa DICT sa dala­wang nabinbin na kaso sa Korte Suprema ukol sa telcos.

Matatandaan, isang kaso ang pending tungkol sa frequencies na naibenta ng San Miguel Corpo­ration sa duopoly – Globe at Smart, na ang Philip­pine Competition Com­mission mismo ang nagtanong sa korte kung ito ay may karapatang mag-review sa P69.1 bilyong buy out deal.

Ukol ito sa 700 MHz na napunta sa duopoly sa tinatawag na co-use agreement (o pagka­ka­sundo ng dalawang higanteng telco) alinsu­nod na rin sa plano ng NTC.

Ang pangalawang kaso ay ukol sa 2.5 GHZ na frequency o kilala bilang 3G frequency cases na nakabinbin pa rin sa Korte Suprema. Hindi puwedeng magkaroon ng bidding para sa NMP kung hindi mareresolba ang mga kasong ito dahil ang draft Terms of Reference (TOR) ng DICT at NTC ay hindi umano makatotohanan.

Hindi sinasabi ng pamahalaan na may mga pending na kaso ang frequencies na nais nilang ibigay sa 3rd telco,” ayon sa isang nagsusuri sa TOR na inilabas ng DICT-NTC.

Aniya, “Sinong in­vestor ang papatol diyan e walang kalinawan kung anong frequencies ang ibinibigay?”

HATAW News Team

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o…

10 hours ago

3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na…

10 hours ago

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay

KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan…

11 hours ago

Atty. Falcis, may bagong inaaway

NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon…

11 hours ago

Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?

NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”,…

11 hours ago

Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team…

11 hours ago