Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Matinong 3rd telco, malabong matuloy

Matinong 3rd telco, malabong matuloy

HINDI pa rin malulutas ang patong-patong na problema ng subscribers sa ginagamit nilang telco.

Ang higit na masakit, hindi magkakaroon ng 3rd Telco na mapagpipilian o malilipatan ang mga subscriber dahil malabo na itong matuloy.

Nabatid ito nang mabuyangyang na wala nang frequencies (o karagdagang signal) na maibibigay ang National Telecommunication Commission (NTC) at ang Department of Infor­mation and Commu­nications Technology (DICT) sa New Major Player (NMP) dahil ang pagpapalawak ng fre­quen­cies ay nakabinbin sa mga kaso sa Supreme Court.

Sa obserbasyon ng isang fund manager, “Ito ang hindi sinasabi ng NTC at DICT at tulad na rin sa lagay ng Telstra, hindi ito magiging maka­totohanan, lalo sa foreign investors,”

READ MORE:  Big thanks, bigger perks on Globe 917 Day

Hiniling ng fund manager na itago muna ang kayang pagkaka­kilanlan dahil sa maselang usapin ng seguridad.

“Kung kaya ang isang matino, abot kaya’t komprehensibong serbisyo ng isang telco ay malabong matuloy.”

Aniya, tiyak na maa­antala ang NMP dahil sa kakulangan ng malinaw na direksiyon mula sa NTC at sa DICT sa dala­wang nabinbin na kaso sa Korte Suprema ukol sa telcos.

READ MORE:  Bagong NCRPO chief itinalaga ni Albayalde

Matatandaan, isang kaso ang pending tungkol sa frequencies na naibenta ng San Miguel Corpo­ration sa duopoly – Globe at Smart, na ang Philip­pine Competition Com­mission mismo ang nagtanong sa korte kung ito ay may karapatang mag-review sa P69.1 bilyong buy out deal.

Ukol ito sa 700 MHz na napunta sa duopoly sa tinatawag na co-use agreement (o pagka­ka­sundo ng dalawang higanteng telco) alinsu­nod na rin sa plano ng NTC.

Ang pangalawang kaso ay ukol sa 2.5 GHZ na frequency o kilala bilang 3G frequency cases na nakabinbin pa rin sa Korte Suprema. Hindi puwedeng magkaroon ng bidding para sa NMP kung hindi mareresolba ang mga kasong ito dahil ang draft Terms of Reference (TOR) ng DICT at NTC ay hindi umano makatotohanan.

READ MORE:  TM Sports Para sa Bayan gives talented youth opportunities to improve lives through sports

Hindi sinasabi ng pamahalaan na may mga pending na kaso ang frequencies na nais nilang ibigay sa 3rd telco,” ayon sa isang nagsusuri sa TOR na inilabas ng DICT-NTC.

Aniya, “Sinong in­vestor ang papatol diyan e walang kalinawan kung anong frequencies ang ibinibigay?”

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved