Categories: Showbiz

Direk Cathy, tiniyak: KathNiel, may ibubuga at tatawaging aktor

THE Hows Of Us ang pelikulang sinasabing pinakanahirapan nang husto sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil maraming emosyon ang pinagawa sa kanila ni Direk Cathy Garcia-Molina na produced ng Star Cinema.

Base na rin sa paliwanag ni direk Cathy, ”mature po talaga ang character nila kasi feeling ko hindi pa nila nagawa ang mga ginawa nila rito sa movie kasi bawal dapat. Matigas lang po ang ulo, in fact, pinagbawalan po ako, pinangako po ako na hindi ko pupuntahan ang hindi dapat kaya sumunod po ako kasi hindi naman talaga kailangan.

“Halimbawa sex, kaya kong magkuwento ng relationship without it. Mandidiri naman siguro ako sa sarili ko na idirehe at panoorin ang dalawang ito, so I’m proud that we were make a movie without it. Kasi hindi naman siya kuwento ko o kuwento namin, hindi kinakailangan ‘yun. So, I’m proud to say na we were able to make a movie na puwedeng pumasok ang mga anak ninyo kasi at the end of the day, it was wholesome.”

Katwiran pa ni direk Cathy na kung sakaling may ginawa siyang pelikulang tumatalakay sa sex ay hindi rin niya papayagang manood ang mga anak niya.

Ayon naman sa Kathryn ang malaking pagkakaiba ng The Hows of Us sa ibang pelikulang nagawa na nila under direk Cathy ay, ”siguro po malaking-malaki kasi sobrang nahirapan po ako talaga, sobra talaga. From ‘Barcelona’ na medyo heavy, nag rom-com sa ‘Can’t Help Fallin,’ ito (Hows of Us), halo siya ng romcom and nandito rin ‘yung bigat. Ang maganda po ay hindi namin nai-tackle in a very mabigat way, ginawa lang naming light, balance po and iba siya kasi ang laki ng maturity na hiningi sa amin ni DJ (Daniel) ng characters nina Primo and George. Malayong-malayo si George sa totoo kong buhay kaya hopefully ‘pag napanood nila si George talaga ‘yung makita nila. And the story din po, bago sa amin.”

“Ibang-iba na talaga itong ginawa namin ni direk Cathy sa lahat ng ginawa namin. Sabi nga ni Kathryn hinahanap na ‘yung maturity at decision-making lalo na sa isang relationship, ang dami na naming nagawa ni Kathryn about relationship and ibang tono na po ito. It’s about relationship na mahaba at ita-tackle natin ‘yung mga rason bakit kailangang maghiwalay at rason kung bakit kailangang mag-stay,” kuwento naman ni Daniel.

Dagdag paliwanag ni direk Cathy na mismong ang KathNiel na rin ang may gustong maiba naman ang mga ginagampanan nilang karakter dahil hindi naman puwedeng puro rom-com lang na napapanood na rin sa teleserye at sa ibang pelikulang nagawa na nila.

Maging ang supporters din ng KathNiel ay hinahanapan na rin sila ng mas malalim o mas mabigat na papel sa mga project na ginagawa nila.

“Tentative pa kung bibilib ang manonood sa dalawa (KathNiel) kung may acting prowess ba o wala, hinahanapan na sila. So here is a movie hopefully answers all the questions kung may ibubuga ba o wala ang dalawang ito at kung puwede na silang tawaging aktor other than the romcoms that they do,” paliwanag ng box office director ng Star Cinema.

Worth watching
ang pelikula

PINABIBILIS na ba ang pagtanda ng KathNiel para makagawa ng mature projects?

Para naman kay Daniel ay hindi naman pinabibilis ang pagtanda nila para gumanap sa mature roles,“sa akin naman po, kung napapansin ninyo na sa tuwing gumagawa kami ng pelikula ay parating may question na, ‘how mature this movie,’ ‘di ba ganoon.

“Well, hindi naman siya mature na kung tawaging pang matanda. Kagaya po ng ‘Barcelona,’ I think tama lang po iyon sa edad namin at sa panahon kasi, ako nasa 23 na, so naghahanap din kami siguro ng may laman na, credible ‘yung proyekto.

“Okay na kami sa platform na light sa serye, pero pagdating sa pelikula, worth watching, matanda o bata may laman ‘yung pinanonood and feeling ko sakto lang din po sa panahon.”

Say naman ni Kathryn, ”ako naman po siguro iyon din ang hinihingi sa amin, na laging tinatanong kung anong bago sa movie namin. So nag-e-expect talaga from us kaya naging challenge rin sa amin na marami talagang nagawa kami ni DJ na rom-com sa teleseryes at ibang movies namin, so laging tanong, anong next?”

Sa Amsterdam ang principal locations ng The Hows of Us dahil gustong maiba naman ni direk Cathy ang ambiance ng pelikula niya at nagkakabiruan na may malaking kinalaman ito sa bulaklak na Tulips na ayaw ikuwento kung bakit.

Walang ipinakitang tourist spots ng Amsterdam sa pelikula, ”ganoon po ako talaga gumawa ng movie, ayaw kong ipinakikita ang tourist spot, mas gusto ko ‘yung mga lugar na hindi masyadong napupuntahan o nakikita,” say ni direk Cathy.

Sa isang flower farm nag-stay ang KathNiel na nakakilala ng pamilyang taga-roon na sobrang mababait at napaka-simple lang ng pamumuhay nila.

“Sobrang nag-enjoy po kasi sa lugar na iyon kasi ang simple ng buhay nila, sila ‘yung nagtatanim ng mga halaman nila, sila ‘yung naglilinis, sila ‘yung nagluluto, sila lahat gumagawa,” say ng KathNiel.

Sa madaling salita, hinahanap na nina Daniel at Kathryn ang buhay probinsiya, tahimik, walang ingay, walang isyu, walang showbiz, at nakakikilos sila na ayon sa gusto nila at masarap ang simoy ng hangin.

Anyway, mapapanood na ang The Hows of Us sa Agosto 29 mula sa Star Cinema. Bukod kina Daniel at Kathryn ay kasama rin sa pelikula sina Alwyn Uytingco, Keith Thompson, Darren Espanto, Juan Miguel Severo, Ria Atayde, at Jean Garcia.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS
Reggee Bonoan

Share
Published by
Reggee Bonoan

Recent Posts

Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking

BIGO ang namumuong ‘diskarte’ sa bidding pro­cess sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng armas at mga…

1 hour ago

Road rager na naka-“8” FJ Cruiser tugisin — Andaya (PNP, LTO dapat kumilos)

DAPAT kumilos ang Philippine National Police (PNP) at ang Land Transportation Office (LTO) para hanapin kung sino ang sangkot sa…

2 hours ago

Mga arogante at masusungit na sales staff ng Duty Free PH

DAHIL sa karanasan ng isang kaanak natin nitong nakaraang linggo sa Duty Free Philippines, muling nabuhay sa alaala natin ang…

5 hours ago

Poster ng anak ni Laarni nagkalat sa Sampaloc

Magandang umaga po. Dito na po ako lumaki sa Sampaloc. Pero ngayon ko lang nalaman na residente pala rito ang…

5 hours ago

Opinyon ni kabayan (Re: Conviction kay ex-FL Imelda Romualdez Marcos ‘emotional blackmail’ sa Pinoy)

          JERRY YAP paalaala lng d komo nasa press ka at Yap e parang kampi ka…

5 hours ago

Mga arogante at masusungit na sales staff ng Duty Free PH

DAHIL sa karanasan ng isang kaanak natin nitong nakaraang linggo sa Duty Free Philippines, muling nabuhay sa alaala natin ang…

5 hours ago