Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Anak ni Kabayan, inilipat ng puwesto
Anak ni Kabayan, inilipat ng puwesto

Anak ni Kabayan, inilipat ng puwesto

TINANGGAL sa Depart­ment of Tourism si Undersecretary Katherine de Castro ngunit inilipat din agad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang posisyon sa pamahalaan.

Nasangkot sa isyu ng katiwalian sa DOT si De Castro sa isyu ng mahigit P60-M advertisement fund ng kagawaran na ibinayad sa Bitag Media na pag-aari ng kapatid ni dating Tourism Secretary Wanda Teo Tulfo na si Ben Tulfo.

READ MORE:  Walang masama sa ‘pepe-dede ralismo video’ — Duterte

Batay sa inilabas na Appointment Paper ng Malacañang na nilagdaan ni Pangulong  Duterte na may petsang 20 Agosto, ay itinatalaga ng Pangulo si De Castro bilang mi­yem­bro ng board of direc­tors ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13).

READ MORE:  Opensiba iniutos ni Digong (Unilateral ceasefire binawi)

Ito ay para punan ang nabakanteng termino ni Manolito Cruz na magta­tapos sa 1 Hulyo 2019.

Ilang beses nang uma­ni ng kritisismo si Pa­ngulong Duterte sa mu­ling pagtatalaga sa mga sinibak na opisyal ng pamahalaan na sinasa­bing sangkot sa katiwa­lian.

READ MORE:  Sa Bureau of Customs laging may krimen, walang kriminal

Madalas sabihin ni Duterte na sa oras na makaamoy ng katiwalian sa kanyang mga opisyal ay agad silang sisibakin sa puwesto.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved