Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine Tolentino, sobrang thankful sa 3 nominasyon sa Star Awards for Music
Regine Tolentino, sobrang thankful sa 3 nominasyon sa Star Awards for Music

Regine Tolentino, sobrang thankful sa 3 nominasyon sa Star Awards for Music

READ: Kathy Dupaya, may bagong akusasyon kay Joel Cruz

LABIS ang kagalakan ni Regine Tolentino sa 10th Star Awards for Music ng PMPC dahil sa nakamit niyang tatlong nominations. Kabilang dito ang Dance Album of the Year at New Female Recording Artist of the Year para sa “Moving To The Music” (Viva Records); at Music Video of the Year para sa “Bounce.”

Post niya sa kanyang FB ac­count: ”Thanks so much for this nomination PMPC Star Awards! Sooo excited! #dancealbumoftheyear  Thank you so much to my Flanax Philippines FlipMusic, Viva Artists Agency and Happy House Manila family for making this possible! Special thanks to Mam Larisa  Direk Dondi Nolan Jeli Pow Mhit and Martin!”

READ MORE:  Regine Tolentino, determinadong maging total performer!

Sa panayam namin sa masi­pag at talented na Zumba Queen, ipinahayag niya ang labis na kagalakan sa nata­mong nominations.

“I’m super happy! Nagsisi­gaw ako rito sa Canada when I heard the news! Sobrang thankful ako sa PMPC for this recognition, I am so honored and excited,” aniya.

Dagdag ni Regine, “First album ko ito, kaya I’m so happy to be recognized with this prestigious award. Napakalaking pa­rangal nito dahil kahit 23 years na ako sa showbiz industry, baguhan ako pagdating sa industriya ng musika.

READ MORE:  Panasonic scholarship pursuing its vision of a better world

“I was so excited and inspired in the production of this album. Talagang ibinu­hos ko rito ang lahat ng thoughts and feelings ko.”

Kinumusta rin namin ang kanyang show sa Canada.

Pahayag niya, “Just finished the first leg of our Canada tour, and I’m so happy to share that we have sold out events in every town we will go to. Sobrang bait ang mga Pinoy dito, and tuwang-tuwa sila sa performance ko. I’m so happy na nakatulong pa ako because proceeds of my dance concert Canada Tour go to the ‘For the Love of Children Society’.”

READ MORE:  Hindi porke biritera ka, magaling ka na — Marissa

Gaganapin ang 9th (2017) at 10th (2018) Star Awards For Music, sa 9 Setyembre 2018 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved