Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nate, nadiskubreng dating asawa ni Ogie si Michele kay Google
Nate, nadiskubreng dating asawa ni Ogie si Michele kay Google

Nate, nadiskubreng dating asawa ni Ogie si Michele kay Google

IKINUWENTO ni Ogie Alcasid ang tungkol sa pagkakadiskubre ng anak nila ni Regine Velasquez na si Nate ukol sa dating asawa ng singer aktor at ninang ng kanilang anak na si Michele Van Eimeren.

Nagkukuwento kasi si Ogie tungkol sa mga anak niyang sina Leila, Sarah, at Nate, ”Yung mga anak ko, uuwi, eh. Well si Sarah pala, uuwi. First time silang tatlong…”

Guests ni Ogie ang tatlong anak niya sa kanyang anniversary concert at first time itong magaganap.

Uuwi si Sarah from Australia, si Leila naman ay naririto na sa Pilipinas at isa ng singer.

“Ten years ago, ang kasama ko sa stage si Leila, pero hindi naman siya kumanta.

“Sa Araneta rin, ‘yung kinantahan ko siya, tapos si Sarah, baby pa noon, well siguro mga seven years old.”

Hindi pa ipinapanganak si Nate noong mga panahong iyon at ngayon ay recording artist na si Leila.

“At saka ang galing niya, ang galing niyang magsulat.”

Sa concert ni Ogie ay may production number silang apat na mag-aama.

READ MORE:  P1-M trust fund, hindi raw gagalawin ni Elha

“Maggigitara ako, gigitarahin ko ‘yung ginawa kong kanta for Leila noong baby pa siya, it’s called ‘When I See You Smile.’ Kasi tinatanong ko kay Leila, ‘What can we sing together?’

“Sabi niya, ‘I think we should sing the song you wrote for me when I was a baby.’

“So ipinadala ko kay Sarah ‘yung study namin ni Leila, tapos inaral niya. Tapos si Nate, medyo alien ‘yun eh, kaya isang pakinig lang niya alam na niya,” na ikinatawa ni Ogie.

Hindi lamang sina Leila at Nate ang mahusay umawit, pati rin pala si Sarah.

“Magaling ‘yun! Magaling ‘yun.”

Kaya may isa pa siyang ilo-launch na career pagkatapos ni Leila, ang career ni Sarah.

“Ewan ko sa kanya. Nasa sa kanya ‘yun, eh nasa high school pa siya, eh.”

Gusto ba ni Sarah na maging singer?

“Parang, pero marami siyang… gusto niya ring maging doktor, gusto niyang maging…

“Pero siya talaga ‘yung kumakanta kasi kasama siya sa Glee Club.

“Si Leila kasi parang late bloomer, eh. More of lately lang niya na-discover na gusto pala niya. Ang gift niya talaga, pagsusulat.”

Dito na nabanggit ni Ogie ang tungkol kay Nate.

READ MORE:  Julian at Aljur, walang rason para mag-away

“Tapos ang nakakatawa nito, kasi siyempre si Nate ‘pag nakikita niya ‘yung ate (Leila) niya, siyempre, ‘Ate ko, bakit hindi ko naman kamukha?’

“Di ba, parang…

“Siguro sa utak niya ‘yun, ‘di ba, so sabi niya…

“Kasi kami balak naming sabihin kay Nate, ‘pag mga ten na siya. ‘Yung para medyo maiintindihan niya.”

Pero magse-seven years old pa lamang si Nate ay nalaman na nito ang sitwasyon.

“Sabi niya ba naman sa nanay niya, ‘Mommy, Dad was married to Ninang Michelle!

“Sabi niyang ganoon! Si Regine, parang, ‘Ha?! How did you know?’ ‘I Googled it!’”

Ano ang sagot ni Regine?

“Tapos sabi namin, ’How do you feel?’ ‘I’m happy’, sabi niya, ‘It’s okay!’

Paano na-Google ni Nate?

“Siguro nakikita niya.

“Tapos sinabi ko kay Michelle sabi ko, ‘O, Nate knows already.’

“Sabi niya, ‘Oh no! Is he okay?’

“Kasi iyon ‘yung concern… ‘Yeah, he’s very happy!’

“At least hindi na namin kailangang sabihin pa sa kanya, Nai-google na niya, eh.

“At tsaka siyempre, minsan ‘pag nagkukuwentuhan kami ng ate niya, ‘O you remember, when you were a baby we used to go there.’

“So siyempre naririnig niya, ‘Baby?!’

“Nagtataka siya. So… eh matalino ‘yung bata, he’s very receptive.”

Hindi alam ni Ogie ang totoong rason at naisipan ni Nate na mag-Google.

READ MORE:  Zsa Zsa Padilla, nagsisimula nang makipag-date

“Basta, pero at least, ‘di ba?”

Techie pala si Nate.

“Lahat naman ng bata ngayon, techie, eh!”

Ayon pa kay Ogie , ay tuwing weekends lamang puwedeng gumamit ng iPad si Nate at pambata ang mga apps sa gadget nito.

Samantala, guests sa Ogie Alcasid 30th Anniversary sina Vice Ganda, Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira, Bansot Mee and Ms. Regine Velasquez-Alcasid! To be directed by Paolo Valenciano and with Maestro Gerard Salonga as Musical Director.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved