Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lola sinakal, apo kalaboso
Lola sinakal, apo kalaboso

Lola sinakal, apo kalaboso

READ: Sinakal ng charger: Bebot pinatay ng dyowa dahil sa selos at pera

SWAK sa kulungan ang isang 24-anyos lalaki makaraan saktan at sakalin ang kanyang 73-anyos lola nang hindi siya bigyan ng pera sa Valen­zuela City, kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Valen­zuela police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 8:00 am nang maganap ang pa­nanakit ng suspek na kinilalang si Jordan dela Cruz, sa kanyang lolang si Ester dela Cruz sa kani­lang bahay sa Calle Onse St., Brgy. Gen. T. De Leon  ng nasabing lung­sod.

READ MORE:  7 sugatan sa karambola ng 6 sasakyan

Ayon sa ulat, naglu­lu­to ng almusal ang biktima nang biglang dumating ang suspek at humingi ng halagang P1,500 sa kanyang lola.

READ MORE:  2 karnaper sa QC patay sa shootout

Bagama’t kinulit ng suspek ang biktima ay tumanggi ang matanda na magbigay ng pera.

Bunsod nito, nagalit ang suspek, hinablot sa leeg ang matanda saka isinandal sa dingding at sinakal.

Tumigil lamang ang suspek sa pagsakal sa kanyang lola nang maki­tang nahihirapan nang huminga ang matanda.

READ MORE:  Bebot pinatay ng dyowa dahil sa selos at pera

Isinumbong ng bik­tima ang insidente sa kanyang mga kaanak na nagresulta upang dak­pin ng mga pulis ang suspek.

Sinampahan ang suspek ng kasong pag­la­bag sa R.A. 9262 o Violence Against Wo­men and their Children’s Act sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved