Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathy Dupaya, may bagong akusasyon kay Joel Cruz
Kathy Dupaya, may bagong akusasyon kay Joel Cruz

Kathy Dupaya, may bagong akusasyon kay Joel Cruz

READ: Regine Tolentino, sobrang thankful sa 3 nominasyon sa Star Awards for Music

NAGPAHAYAG ng paniba­gong pasabog na akusasyon si Kathy Dupaya kay Joel Cruz, may-ari ng Aficionado. Ipinaha­yag ng Brunei-based business­woman sa ilang miyembro ng entertainment media sa ipinata­wag nitong presscon kahapon sa kan­yang opisina sa Taguig City ang natuklasan niya ukol sa businessman.

Sa binasang statement ni Dupaya, sinabi niyang hindi nagdedeklara ng tamang tax ang Lord of Scent kaya na­man may P6.4-B tax liability daw ito.

READ MORE:  Albie ayaw nang makatrabaho si Andi, kahit mawalan pa ng project

Sinabi pa ni Dupaya na tax evader umano ang Aficionado owner.

“Hindi pa rito kasama ang sinasabi niyang international sales sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Brunei at iba pa. At alam n’yo ba na ang total na binayaran lamang ng Central Affirmative Co., Inc., (CACI), kompanya ni Cruz, sa loob ng 10 taon ay P14,807,987.19. Kaya pala ganoon siya kaya­man,” sambit ni Dupaya sabay pa­na­wagan kay BIR Com­missioner Cesar Dulay na ting­nan ang bagay na ito.

Ayon pa sa ginawa nilang research, ang state of the art factory ni Cruz, ang Sterling Industrial Park na nasa Mey­cauayan, Bulacan ay hindi rin daw rehistrado sa BIR.

READ MORE:  Ai Ai delas Alas, nanghihinayang dahil ‘di matitikman si Dennis Trillo

Maging ang Forest Lodge Hotel ni Cruz sa Baguio ay may salaysay rin si Dupaya.

“Ang mansion ni Joel ay ginawang tourist spot sa Baguio na bago ka makapasok sa loob at mag-tour ay kai­la­ngang bumili ng pabango worth P250, parang en­trance pero walang receipt na ibinibigay. Sa loob ng mansion, may hotel ito na ang pangalan ay Forest Lodge Camp John Hay at si Joel Cruz ang may-ari. Mahal ang per day, P8,900.00, pero walang resibo,” sabi ni Kathy.

READ MORE:  I feel so blessed, naabot niya ang rurok ng kaligayahan ko — Yeng sa Ako si Josephine

Nanawagan din si Du­paya kay Pangulong Rodrigo Duterte. “Presidente Duterte, ito ang hinahanap mong tax evader. Billion-billion ang nawawala sa (P)ilipinas dahil sa tax evader na kagaya ni Joel Cruz. Commis­sioner Dulay, ikaw na ang bahala kay Joel Cruz,” saad ni Dupaya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved