Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sinakal ng charger: Bebot pinatay ng dyowa dahil sa selos at pera
Sinakal ng charger: Bebot pinatay ng dyowa dahil sa selos at pera

Sinakal ng charger: Bebot pinatay ng dyowa dahil sa selos at pera

READ: Lola sinakal, apo kalaboso

ARESTADO sa mga pulis ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang kinakasama gamit ang cellphone charger dahil sa selos at pera sa Meycauayan, Bulacan.

Ayon kay Supt. Santos Mera, hepe ng Meycauayan police, tumawag sa kanila no­ong umaga ng Linggo ang suspek na si Edgar Abe dahil ‘nadatnan’ na lang daw niyang patay na ang kinakasamang si Nida Sampan.

READ MORE:  OFW natagpuang patay sa Saudi hotel

“‘Pag gising niya, ‘yong babae nasa baba, bumagsak daw na parang nabagok,” ani Mera.

READ MORE:  Barangay secretary itinumba sa harap ng barangay hall

Ngunit naghinala ang mga pulis nang mapan­sing may marka ng pana­nakal sa leeg ang biktima.

Inamin ni Abe sa inte­rogasyon na pinatay niya si Sampan gamit ang dalawang cellphone char­ger. Kuwento ng suspek, dahil daw ito sa selos at pera.

READ MORE:  Koreano itinumba sa motel sa Cebu

Kapwa may asawa ang suspek at biktima. Ngunit ayon sa mister ng biktima, 2009 pa sila naghiwalay ni Sampan at huli niyang nakita ang biktima noong 2016.

Sinampahan ng ka­song murder si Abe dahil sa pagpatay sa biktima.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved