Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Memo ng PCOO babala sa mga aksiyong pasaway ng kanilang mga opisyal
Memo ng PCOO babala sa mga aksiyong pasaway ng kanilang mga opisyal

Memo ng PCOO babala sa mga aksiyong pasaway ng kanilang mga opisyal

READ: Sa insidente ng pagkabalaho ng Xiamen Air sa runway: MIAA officials huwag sisihin

BUMILIB tayo kay PCOO Undersecretary Lorraine Badoy, Undersecretary for New Media and External Affairs, nang magbabala at paalala­hanan niya ang mga kasamahan na ang bawat isa sa ahensiya ay may krusyal na papel sa ating bansa.

Hinikayat ni Badoy, chairperson din ng PCOO Gender and Development Focal Point System (GFPS) Executive Committee, na ang bawat isa sa ahensiya ay dapat na maging ‘mindful when dealing with gender-sensitive issues.’

READ MORE:  Public officials hindi dapat exempted sa bank secrecy law

Aniya, ang mga public official at mga kawani ay napapailalim sa mga provisions of sections ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ani Badoy, sa Section 4 ng nasabing batas ay isinasaad na, “that public officials should observe professionalism.”

Dagdag niya, “Public officials and employees shall perform and discharge their duties with the highest degree of excellence, profes­sionalism, intelligence, and skill. They shall enter public service with utmost devotion and dedi­cation to duty.

READ MORE:  PCOO allergic na kay Mocha

“They shall endeavor to discourage wrong perceptions of their roles as dispensers or ped­dlers of undue patronage.”

Inilabas ni Badoy ang nasabing memo­randum

Ilang araw matapos kondenahin si PCOO assistant secretary Mocha Uson dahil sa kan­yang kontrobersiyal na federalism video na nagpapakita ng lewd dance, habang itinuturo ang maseselan at pribadong bahagi ng katawan ng isang babae.

READ MORE:  Mocha, ‘di pa tapos sa ‘pepe-dede-ralismo’

Dahil doon nalagay na naman sa alanganin ang Palasyo.

Paala lang po: Next time bago umepal (official man o kawani) huwag kalilimutan ang RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard).

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved