Categories: Showbiz

Joel Cruz, pinaratangang tax evader

READ: TNT Boys, Grand Winner sa Your Face Sounds Familiar Kids

GRABE ka Joel!”  ito ang tinuran ni Kathelyn Dupaya, Brunei based businesswoman kahapon nang banggitin nito ang pagiging tax evader ni Joel Cruz, may-ari ng Afficionado.

Sa binasang statement ni Dupaya, sinabi nitong hindi nagdedeklara ng tamang tax ang Lord of Scent kaya naman may P6.4-B tax liability ito.

“Hindi pa rito kasama ang sinasabi niyang international sales sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Brunei at iba pa.

“At alam n’yo ba na ang total na binayaran lamang ng Central Affirmative Co., Inc., (CACI), kompanya ni Cruz, sa loob ng 10 taon ay P14,807,987.19. Kaya pala ganoon siya kayaman,” sambit ni Dupaya sabay panawagan kay BIR Commissioner Cesar Dulay na tingnan ang bagay na ito.

Sinambit pa ni Dupaya na ayon sa isinagawa nilang research, ang state of the art factory ni Cruz, ang Sterling Industrial Park na nasa Meycauayan, Bulacan ay hindi nakarehistro sa BIR.

Maging ang Forest Lodge Hotel ni Cruz sa Baguio ay may kuwento rin si Dupaya.

“Ang mansion ni Joey ginawang tourist spot sa Baguio na bago ka makapasok sa loob at mag-tour ay kailangang bumili ng pabango worth P250 parang entrance pero walang receipt na ibinibigay.

“Sa loob ng mansion, may hotel ito sa loob na ang pangalan ay Forest Lodge Camp John Hay at si Joel Cruz ang may-ari. Mahal ang per day, P8,900.00 pero walang resibo,” kuwento pa ni Dupaya.

Kinuwestiyon din ni Dupaya si Cruz kung paano ito nakabibili ng mga mansion gayung wala itong income. Ang tinutukoy na nabili ng negosyante ay ang Canyonwoods sa Batangas, Manila, at Baguio, ang Chino Hills sa California, USA, ang Beach house sa USA, at isang building sa USA.

“Alam n’yo bang si Joel Cruz ay nag-stop mag-file ng income tax noong 2010 pa? Ibig sabihin, hindi siya nagpa-file ng income tax,” giit pa ni Dupaya.

Kasunod nito, nanawagan din si Dupaya kay Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, ”Presidente Duterte, ito ang hinahanap mong tax evader. Billion-billion ang nawawala sa Pilipinas dahil sa tax evader na kagaya ni Joel Cruz.

“Commissioner Dulay, ikaw na ang bahala kay Joel Cruz,” pagtatapos ni Dupaya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

COMMENTS
Maricris Valdez Nicasio

Share
Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

I performed for the people of Ilocos and NOT for Marcos — Moira

NAGLABAS ng official statement ang Cornerstone Entertainment, Inc., management company ni Moira Dela Torre tungkol sa nangyaring free show nito…

2 mins ago

Sylvia Sanchez, tinilian at pinagkaguluhan; dami ng proyekto ng mga anak, ikinatuwa

HINDI pa rin nawawala ang karisma at lakas sa tao ni Sylvia Sanchez. Napatunayan namin ito nang siya ang mas…

8 mins ago

Arjo, natataranta sa sabay-sabay na offer

SA kabilang banda, tuwang-tuwa naman siyang ibinalita na super hectic ang schedule ng kanyang panganay na anak na si Arjo.…

11 mins ago

Mas magagaling ang mga anak

MASAYA pang esplika ni Sylvia, “‘Di ba kahit sabihin pang mas magaling sa akin ang mga anak kong umarte, ang…

4 hours ago

Kris, balik-trabaho na agad

NAKABALIK na ng ‘Pinas si Kris Aquino noong Lunes pagkatapos ng mahigit tatlong linggong pagbabakasyon sa ibang bansa and as…

4 hours ago

Budget insertion uso pa pala ‘yan?!

PAGKATAPOS ang balitang tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara, pumutok din ang isyu ng budget insertion…

5 hours ago