Categories: News

Duterte nasa kama ‘di na-coma — Palasyo

READ: ChaCha patay na — Pichay

NASA kama at hindi na-coma si Pangulong Rodri­go Duterte.

Ito ang tugon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) found­ing chairman Joma Sison na comatose si Pangulong Duterte mula noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Go, nagpa­pahinga lang at hanggang alas-dos ng madaling-araw kahapon ay kausap pa niya ang Pangulo ka­ya  maaaring nanaginip lang ang self-exiled com­munist leader.

“Nasa kama lang nag-rest, kausap ko pa 2:00 am kaninang madaling-araw si PRRD. Baka nana­ginip lang si Joma then napalitan lang ni Joma ng letter C ang pangalan niya. Siya pala ‘yun,” text message ni Go sa mga mamamahayag sa Pala­s-yo kahapon ng umaga.

Sa kanyang panig, sinabi  ni Presidential Spokesman Harry Roque na malusog ang Pangulo at sa katunayan ay naka­takdang humarap sa publiko ngayon para sa okasyon ng League of Cities  sa Cebu.

Pagbibigay diin ni Roque, isang rebolusyo­naryo si Sison at hindi isang doktor. “I don’t see any reason why people — I don’t even understand why Joma Sison said he was in coma ‘no. He is in faraway Netherlands, how would he know?” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS
Rose Novenario

View Comments

Share
Published by
Rose Novenario

Recent Posts

Lady district engineer hulicam sa ‘lagayan’ ng SOP sa road project (Militar italaga na rin sa DPWH?!)

CAUGHT in the act ang isang lady DPWH district engineer na kinilalang si Lorna Ricardo habang humihirit ng ‘SOP’ o…

1 hour ago

Sino ba talaga ang suportado mo sa Pasay, Mayora Inday Sara?

NALILITO na po tayo rito kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Hindi natin alam kung sino ba talaga ang ‘bata’…

1 hour ago

Lady district engineer hulicam sa ‘lagayan’ ng SOP sa road project (Militar italaga na rin sa DPWH?!)

CAUGHT in the act ang isang lady DPWH district engineer na kinilalang si Lorna Ricardo habang humihirit ng ‘SOP’ o…

1 hour ago

Gary at Sheryl, suwertehin kaya sa politika?

MARAMING artista na naman ang tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa darating na national and local election sa susunod na…

14 hours ago

Pokwang, desperada

TAMA lang pala na Marietta Subong ang billing ni Pokwang sa Oda sa Wala, isang entry sa katatapos lang na QCinema. Ang scriptwriter-director ng…

14 hours ago

Alessandra, nagpakalbo; Through Night and Day, ikinompara sa Kita Kita

MARAMI ang nagulat sa ginanap na premiere night ng pelikulang Through Night & Day nang tumambad sa lahat ang kalbong…

14 hours ago