Categories: News

OSHB ‘tribute at pagkilala’ sa obrero

Share

MAGKAKAROON ng dagdag proteksiyon ang mga obrero sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging batas ang Occupational Safety Health Bill ano mang araw ngayong linggo.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go, layunin ng batas na matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa mga lugar na pinagtatrabahuan at mapanagot ang kanilang mga amo sakaling magkaroon ng aberya.

Isa sa mahalagang probisyon ng panukalang batas ang karapatan ng manggagawa na tumanggi sa trabahong may panganib at hindi puwedeng bantaan o buweltahan ng kanyang employer.

May karapatan din ang obrero sa libreng personal protective equipment (PPE) gaya ng proteksiyon para sa mga mata, mukha, kamay at paa, lifeline, safety belt o harness; gas o dust respirators o masks; at protective shields.

Habang ang covered workplaces ay dapat magkaroon ng qualified occupational health personnel na may kaukulang medical supplies, equipments at facilities.

Tinawag ni Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles ang OSHB bilang “tibute and recognition to workers.” (ROSE NOVENARIO)

COMMENTS
Rose Novenario

Published by
Rose Novenario

Recent Posts

48 aplikante, masusubok sa PBA Draft Combine

MAYROONG tsansa ang 48 aplikante ngayon upang patu­nayan ang kanilang kahandaan na makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sasailalim… Read More

8 hours ago

Aces, tatabla sa Hotshots

SUSUBOK ang Alaska na maitabla ang serye sa karibal na Magnolia ngayong krusyal na Game 4 sa 2018 PBA Governors’… Read More

8 hours ago

Kapatid umigi sa Krystall products

Dear Sis Fely, Magandang buhay po, sumasainyo ang pagpapala ng Panginoong Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak… Read More

8 hours ago

Pagpapahalaga sa values, tinalakay sa Adulting

KUNG natuwa ang marami sa Tipidity ng Mega Sardines, paiiyakin naman nila ngayon sa kanilang Adulting ang publiko. Ang Adulting… Read More

9 hours ago

Lani, nanawagan: Irespeto natin ang desisyon ng korte

“LET’S just respect the decision of the courts (sic).” Ito ang reaksiyon ni Lani Mercado patungkol sa mga ‘di sang-ayon… Read More

9 hours ago

Anne at Erwan, tutungo ng Iceland at Antarctica

PINAG-UUSAPAN ng ilang nitizens kung sino ba kina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang may diperensiya at hanggang ngayo’y hindi… Read More

9 hours ago