Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ria, may bonggang hosting job na kukunan sa HK
Ria, may bonggang hosting job na kukunan sa HK

Ria, may bonggang hosting job na kukunan sa HK

READ: Kris, nakabili ng bahay sa sobrang sinop sa pera

BONGGA ang mag­-kapatid na  dahil pareho silang may entry sa 2018 Metro Manila Film Festival. Kasama si Ria sa entry ng Quantum Films na  The Girl In The Orange Dress na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola  at Jericho Rosales na idinirehe ni Jay Abello.

READ MORE:  Daniel at Kathryn na-stress sa action scenes pero happy sa magandang ratings ng “La Luna Sangre” (Huling anim na araw na)

Kasama naman si Arjo sa pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin, ang  Popoy Em Jack: The Puliscredibles mula sa MZet, APT, at CCM Productions.

READ MORE:  Carla Abellana, karapat-dapat maging Primetime Queen!

Bukod sa pelikulang The Girl In The Orange Dress, kasama rin si Ria sa seryeng Halik bilang trusted employee ni Jericho Rosales at malapit na  siyang mag-taping para rito.

Dagdag pa rito ang isang hosting job na mapapanood sa cable channel ngayong October na kukunan sa Hongkong at makakasama nito si Jericho.

READ MORE:  Yassi, ikinokompara kay Phoebe Kates

Kasama rin ang aktres sa movie nina Kathyn Bernardo at Daniel Padilla, ang The Hows Of Us na gaganap ito bilang bestfriend ni Kathryn.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved