Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, nakabili ng bahay sa sobrang sinop sa pera
Kris, nakabili ng bahay sa sobrang sinop sa pera

Kris, nakabili ng bahay sa sobrang sinop sa pera

READ: Ria, may bonggang hosting job na kukunan sa HK

BONGGA ang Starstruck alumni na si Kris Bernal dahil sa 11 years niya sa showbiz, nakabili na siya ng bahay sa US na tinitirahan ngayon ng kanyang kapatid. Bukod pa rito ang bagong negosyo, isang Korean Restaurant, ang House of Gogi.

Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bahay sa USA at negosyo si Kris ay dahil sa pagiging masinop sa pera. Inamin ng dalaga na matipid siya kaya nakapag-save ng malaking halaga ng pera na mula sa kanyang trabaho.

READ MORE:  MTRCB unveils ‘Nida Blanca’ conference room for its 32nd anniversary

Tsika nito sa isang interview, ”Hindi naman ‘yung biglang dumami ang pera ko. Hindi nila alam na sobrang tipid ko.

“Ang dami kong tinipid at tiniis para lang mabili ko ‘yung bahay, mapatayo ko itong House of Gogi.”

READ MORE:  Ritz at Jasmine, pantapat ng TV5 kina Maja at Kim

At sa pagkakaroon ng negosyo ay hindi naman nito basta-basta tatalikuran ang pag-aartista lalo na’t dito galing ang kung ano man ang mayroon siya ngayon. Katunayan, mayroon siyang bagong serye sa GMA 7, ang Mag-asawa, Magkaribal na magsasama sila ni Thea Tolentino.

READ MORE:  Miss Haiti Raquel Pelissier, gustong manirahan sa ‘Pinas!

Wala namang kinalaman ang chef-boyfriend-business partner niya sa paghinay-hinay sa showbiz. Wala siyang planong mag-asawa sa ngayon at hindi pa rin siya ready magpabuntis, huh!

“Hindi naman ako nagrereklamo na matagal akong nawalan ng series after ‘Impostora.’ Siguro, dumarating din ang time na parang nagsasawa ka na sa ginagawa mo!” diin ni Kris.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved